Akira and Stephen

701 20 0
                                    



Author's note:

May special participation ang isa sa character sa Miss Adventure Diary. Hihi! Enjoy!

+++++++

          "Ano ba talaga ang kailangan mo sa akin na babae ka? Don't you dare tell me that I bed you, that won't happen because I'm gay, okay?"

          "Grabe naman, nilapitan ka lang naikama na agad? Kung may nangyari na sa atin, malabong mangyari na hanggang ngayon ay bakla ka pa rin." Buo ang loob na sabi ko sa kanya.

          Bahagyang hinila ni Stephen ang buhok ko. Sadista man siya pero type ko pa rin siya. "Akira tigilan mo ako, hindi kita type at hindi kita papatulan." Sabi niya sa akin habang nakatingin na parang may sakit ako na talaga namang nakakadiri.

          "Tandaan mo Stephen, magiging lalake ka at ako ang magiging forever mo." At saka ako naglakad palayo sa kanya. "You'll be mine soon, Stephen!" pahabol ko pang sigaw.

          Stephen Maharlica, siya ang forever ni Akira Yuzon at ako iyon. Walang ibang pwedeng umangkin sa kanya, babae man o lalake, o kahit bading bawal. Sa akin lang si Stephen Maharlica. He was made for me and I to him. Kung hihingi siya ng patunay, ibibigay ko sa kanya ang resulta ng 'FLAMES HOPE CAMEL' na ginawa ko.

FLAMES HOPE CAMEL
AKIRA YUZON – 5 – ENGAGED – HAPPY - LOVE

STEPHEN MAHARLICA – 6 – SWEET – OF COURSE PWEDENG-PWEDE – CHERISH

TOTAL = 11 CHERISH
CHERISH – to show great love for something or someone.

Si Kumareng Merriam Webster lang naman ang reliable source ko, ibig sabihin kami talaga ang meant-to-be. You see, kami talaga ang para sa isa't-isa.


NANDITO KAMI ngayon sa bahay ng bestfriend ko na si Maxxine o Maxx. Actually buong barkada ang nandito, ako si Maxx, Yani, Mona, at Hush.

          "Kailangan ko na yata na iuntog ang ulo mo sa pader para lang matauhan ka. Aki, bakla si Stephen but you still keep on chasing him. Desperada much?" sabi sa akin ni Mona.

          "May pag-asa pa, saka hindi ko pa naman naibibigay ang hundred percent best ko." Sagot ko naman. Hindi ako magpapatalo. Ako pa ba?!

Pagkalunok ng cake na isinubo ni Hush ay saka ito nagsalita. "Ano ang pang-hundred percent mo, katawan mo?! Luka, baka mas lalo kang ayawan ng baklitang 'yon." Mahabang sabi niya.

"Bakit naman?" Tanong ko.

"Ang slow. Malamang kasi mai-insecure siya sa 'yo kasi may dede ka, may vajayjay ka, eh siya?! Wala!"

Natawa kaming lahat dahil sa sinabi na 'yon ni Maxx.

"Huwag kayong magsasalita ng ganyan, may kasama tayong bata." Sabi ni Mona habang tinuturo ang abala sa cellphone niya na si Yani.

She's the youngest, Yani and Mona are cousins and also best of friends. We all instantly click, and here we are now. Best of friends.

"Sumuko ka na kasi, tigilan mo na ang baklitang 'yon. Saka malay mo naman, kahit na straight siya hindi ka pa rin niya type." Seryosong sabi ni Yani habang abala pa rin sa cellphone niya.

All The Single LadiesWhere stories live. Discover now