Teaser : Mona

380 17 6
                                    



"May bisita kang iba?" Tanong ni Yani. "I'll get it."

Kibit-balikat lang naman ang naisagot ko sa kanya. Wala naman akog inaasahan na bisita ngayon. Nasa Laguna at Batangas ang mga kapatid ko, si Mama at Papa naman nasa Ilocos.

Ilang segundo lang ay nakabalik na si Yani. "Mona, someone is looking for you. HE called you 'my monay' so I think kilala ka nga niya." Hindi maipinta ang mukha na sabi ni Yani.

"Who?" Tanong ko.

"Hi!"

What the f*ck?! Anong ginagawa niya dito?

Habang ako ay hindi ko malaman kung paano magre-react, ang dalawang babae sa tabi ko ay tumayo at nilapitan si Yani at ang bwisitor ko.

"Pwedeng patingin ng abs mo?" Walang kyemeng sabi ni Hush at akmang itataas nito ang damit ng binata.

Hinampas ni Maxx ang kamay ni Hush. "Simulan mo sa taas ang pag-appreciate sa biyayang kaloob ng langit. Simulan mong i-appreciate ang looks bago ang body." Sabi naman ni Maxx habang tulala na pinagmamasdan si Trent.

"Sabi ni Mona mataba ka dati, paanong nangyari na ganyan ka na ngayon? Paker ang ganda ng katawan mo. Ang hot!" Sabi ng mahadera kong pinsan habang iniikutan si Trent. "Pero mas hot pa rin si Julio ko."

Inikutan din ni Hush si Trent. "Hotness overload ka handsome. Sure ka bang tao ka? Masyado kang gwapo eh, pwedeng akin ka na lang?" Wala sa sariling sabi ni Hush habang pinagmamasdan at hinahaplos ang ilong ng bisita KO!

"Hindi pwede, because you're mine and mine alone." Biglang sabi ng isang lalake.

Wait! Is that Lander? Anong sa kanya si Hush? May relasyon sila?

"Who you?!" Sabi ni Hush at ibinalik ang pansin kay Trent, ang loko naman enjoy na enjoy sa atensyon.

Nilapitan ni Lander si Hush at saka nagtaas ng damit at hinila nito ang kaibigan ko para sa kanya humarap at ang katawan niya ang makita nito. See? Ang dami ng nangyayari sa kanila pero hindi pa rin ako makatayo.

"Paker Hush, may pandesal din naman pala si Lander eh. Magpaligaw ka na!" Hindi napigilang sabi ni Yani.

"Tumigil ka dyan Yani baka bigwasan kita!" At hinarap naman nito ang naka hubad-barong si Lander. "Umuwi ka na, hindi ka invited dito. Alis." Tinitigan lang naman ni Lander si Hush, at walang sabi-sabing binuhat si Hush at isinampay sa balikat niya.

"Kidnapin ko muna ang kaibigan niyo for a month, ha?! Thanks!" At tuluyan na itong lumabas ng bahay namin.

"Oh pag-ibig nga naman." Nasabi na lang ni Maxx. "Mabalik naman tayo sa 'yo." Tukoy nito kay Trent. "Ano ba ang ginagawa mo dito?"

"I'm here to visit My Monay." At talagang tumingin pa siya sa akin. "I badly need to talk to her."

Magsasalita na sana ako ng biglang may unwanted visitor nanaman ang bahay ko.

"Hi everyone, susunduin ko lang si Yummy ko." Okay, that's Julio and he's referring to Yani. "That's for you saying 'paker' moments ago. Yes I heard that, don't ask how." Then he face Maxx. "Thanks Maxxine." Accomplice pala ang drama nitong si Maxx.

"Babay! We'll go ahead. Babalik ako Mona, dito ako matutulog. Don't worry, nag-paalam ako kay Papa." At umalis na sila.

"I'll go ahead na rin, ayokong maging third wheel. Bye." At lumayas na rin si Maxx.


+++++

Author's Note:

Oha! Oha! Ang bilis ng teaser 'no? Sa teaser man lang bumilis ako.

Mga one week pa siguro bago ang buong kwento ni Monay! Abangers lang ulit mga beh!

All The Single LadiesWhere stories live. Discover now