Raine and Sebastian

545 23 26
                                    



"Oh my gosh?! F*ck!"

Bakit naman hindi ako mapapamura, nakahagip lang naman ako ng isang luxury car. Maserati! Magpapakamatay na ba ako? Paano ko babayaran ang damage, wala naman akong pera?!

Oo at mayaman ang pamilya ko, pero sila lang ang mayaman at hindi ako. Puchang buhay 'to oh!

May kumatok sa bintana ng pipitsugin kong Honda City, siya siguro ang may-ari ng kotse na nagalusan ko. Bababa ba ako? Paano kung saktan niya ako o kaya naman bigla na lang niya akong hilahin papuntansa Bilibid para ipakulong? AYOKO!

Hindi ako bumaba, yung bintana ko lang. Sa panahon ngayon dapat maging vigilant, dapat maging maingat, at dapat pag-isipang mabuti ang desisyon. Sa kagandahang taglay ko, baka mapagsamantalahan pa ako. I love my life pa naman so much.

"You."

"Yes, me! Why?"

"You put scrapes on my precious Maserati car! Do you have any idea how much my car cost?"

Pa-cool at may kahalong kahambugan ang pagsasalita niya, but he can't hide the irritation on his handsome face. Gracious God, wala po ba Ikaw ginawa na pangit at mabaho na mayaman? Kutis pa lang anak mayaman na ang datingan.

"Tell me? Hindi ko alam eh."

"Even if you sell your car," at tinignan niya ang kotse ko mula sa unahan, sa loob, pagkatapos sa ay gulong naman. "That wouldn't be enough as payment for my damaged car."

Inirapan ko siya. Alam ko naman kaya kung gaano kamahal ang Maserati luxury car. "I know, I know. O eh paano ang gagawin, wala naman akong ipambabayad sa 'yo? Sabi mo nga kahit ibenta ko 'tong si City hindi sapat, paano?" Tanong ko pa.

Hindi ko naman kasi talaga alam kung paano ko mababayaran ang damages na nakuha ng sasakyan niya dahil sa katangahan ko. Well, Lexus can pay the damages but I don't want him to know this little accident. Papagalitan na naman ako ng matandang hukluban na 'yon.

"Where's your license? And can you please get out of your car? I don't bite." Sabi niya.

"Are you foreigner? You don't speak tagalog?"

Hindi siya nagsalita, does that mean hindi niya ako maiintindihan in case na murahin ko man siya ngayon in tagalog with intense feeling?

"Paker! Bakit naman kasi itinabi mo sa kotse ko ang mamahalin mong sasakyan? Tapos ngayon na nagasgasan ko kasalanan ko pa?! Dapat ang kotse mo nandun sa parking lot ng mga VIP." Reklamo ko at saka ko iniabot sa kanya ang lisensya ko pero hindi pa rin ako bumaba.

"Nabasa ko na ang ganitong eksena eh, mababangga ng babae yung sasakyan ng lalake na nagkataon naman na nangangailangan ng katulong. Bilang kabayaran sa perwisyo na dinulot nito ay aalilain ni lalake ang babae. Eh nagkataon na pinipilit na pala ng nanay ni lalake na mag-asawa ito, ending gagawing artista nung lalake ang babae."

He pull out his phone from his pocket at kinuhanan ng picture ang license ko.

"Mabuti na lang talaga at hindi nagsusulat ng ganong klase ng kwento si Mona, kasi kung oo malamang na mababawasan ng one hundred copies ang kwento niya."

"Do you usually say what's on you mind that loud?" Tanong niya at saka iniabot sa akin ang license ko.

"Oo! Kesa naman thinking out loud lang, mas okay ang say it out loud."

Iniabot niya ang license ko, pero hindi pa rin siya umalis. Ano pang kailangan niya?

"Your phone?" Tanong niya tapos inilahad ang kamay niya sa tapat ng mukha ko.

"Hindi pa rin sapat na pambayad 'yon kaya huwag mo ng pag-intiresan. Mumurahin lang cellphone ko."

"I don't need your phone because I have my own, I just need to get your number." Seryoso masyado.

All The Single LadiesWhere stories live. Discover now