Moving On, Moving Forward and Getting Drunk

Start from the beginning
                                    

Take note, I just moved forward… natagalan ako sa moving on part. Maybe because at the back of my head that time, I was secretly still hoping for x and friend to break-up and finally get my revenge and/or for me and x to get back together kaya nahirapan ako.  Ganun kasi ‘yun eh, hangga’t umaasa ka pa, mahihirapan kang pakawalan ‘yung nakaraan niyo.

Sabi nila, time heals the pain. That is true. Pero kulang kaya dadagdagan ko.

Time heals the pain IF you allow yourself to heal and IF you don’t use the time to live in the past and wallow in your regrets.

 

When used properly, time will be your good friend. It will open doors and windows to a happier life free of bitterness.

And the thing with moving on, YOU CAN’T DO IT ALONE. Kailangan mo ng ibang tao para magawa ito—may it be friends, loved ones, or SOMEONE. Teka, bago kayo mag-react kay ‘someone’ … magpapaliwanag ako.

When I say ‘someone’… I don’t mean na makipagrelasyon ka agad dahil panakip-butas ang labas nung tao. Si ‘someone’ ay isang tao na handang tumulong sa’yo na hindi nag-aasam na maging kayo kahit gusto ka niya. Gusto lang niyang makalimot ka. Kaya ‘wag mong itaboy si ‘someone’  AT mas lalong ‘wag kang makipagrelasyon sa kanya dahil andiyan siya para sayo kahit mahal mo pa ang nakaraan mo. Unfair yun sa kanya kahit pa sabihin nating desire nyang maging kayo.

Also, ‘someone’ ang sinabi ko… hindi ‘something’. Kaya huwag na huwag kang magpakalulong sa alak para lang maka-move on!  Lels, maipilit lang sa ‘getting drunk’ part eh, noh? Pero seryoso, hindi paraan para makalimot at maka-move on or move forward ang pagkakalango sa kahit anong bisyo dahi temporary solution lang ‘yan or a better term is… escape route. Pag nawala ang amats, maiisip mo pa rin ‘yung tinatakbuhan mo.

At dahil nag-iba na ang topic at bilang sagot ko sa diary post ni Diwata, magkukwentong lasing na rin ako, hehehe. Para light na rin ang atmosphere, ambigat nung unang topic eh, hehehe.

One thing that you need to know about me, hindi ako pala-inom. Dalawang beses pa lang akong tinatamaan ng alak. And when I say ‘tinamaan’, ibig sabihin… ‘nalasing’.

Tatlong babae kaming magkakapatid at ako ang gitna. Wala rin si Papa dahil nasa army siya at sa iba-ibang lugar nakadestino. Tsaka masunurin akong anak, ayaw ni Mama na umiinom kami dahil pangit daw sa babae kaya hindi ko talaga siya nakahiligan.

Fourth year high school ako nung sinama ako ni Ate sa Padi’s Point Baguio dahil nirereto ako sa kapatid ng kasintahan niya. Imagine, from Tarlac dinala ako ni Ate sa Baguio kasi single ako nun. Sobrang kinabahan ako nun kasi akala ko tatanungin kung anong age ko eh sixteen palang yata ako nun at diba nga, baby face ako? Ayun, buti nalang hindi at pinapasok kami at nagkita na nga kami ni boylet. Iniwan kami nila Ate pero hindi naman kami nag-uusap. Ang labo nga eh, andaldal namin sa text pero natameme pareho nung nagkita na. O, wag kang mag-react, maniwala ka man o hindi, nahihiya rin ako. NOON, lelelels.

IBA'T-IBANG KULAY NG JEBS: Ang Talambuhay ni LELSWhere stories live. Discover now