Sir, You're Hot. -9

Start from the beginning
                                    

"Rebecca. Anong nakain mo at kinopya moa ng sinulat ni Ma'am?" tanong ng classmate ko, si sa subject na 'to.. Individual ang thesis namin pero group mate ko siya sa tuwing magpapasagot kami ng surveys at iba pang kailangan na information about sa topic namin.

"Wala. Nagpaplano lang akong magbagong buhay," sagot ko sa kanya habang ipinapasok ko na ang Cattleya notebook at Pilot Ballpen ko. Kompleto ko na ang school supplies ko. Ang bait ko na nga ata.

NAGTATAKA akong pumasok sa loob ng headquarters ng Debate Club dahil aligaga ang tatlong members ng club. Halos lahat sila hindi maipinta ang mukha sa sobrang kaba, takot, lungkot, at kung anu-ano pang ekspresyon na pwede na atang magawa ng isang tao. Halos mamutla na nga ata ang isa sa kanila.

"Anong problema niyo?" tanong ko sa isang babaeng hindi ko naman naitanong ang pangalan. Tinapik ko pa siya sa balikat para lang pansinin ako. Parang lutang kasi ang isip niya habang nakaupo at nakatingin sa ceiling.

"Si Sir Railey kasi..." at akmang tutulo ang luha niya habang nagsasalita. Kung makapag-react naman 'tong babaeng 'to akala mo patay na 'yung taong tinutukoy niya eh.

"Ano nga!" sigaw ko sa kanya.

"Nag-resign na siya as adviser ng Debate Team." Kasabay ng pagsagot niya sa akin ay ang pagluha nang tuluyan ng mga kasama niya. Para silang basang sisiw na hindi alam kung saan pupunta.

Hindi ako over-acting katulad nila. Inilapag ko muna lahat ng research papers na ginawa ko para sa mga topics na tatalakayin namin para sa practice namin sa mga upcoming Debate Contest na pasasalihan sa amin. Inilapag ko ang folders sa ibabaw ng lamesa na siyang pwesto naman ni Sir Railey.

Tinitignan ko pa rin 'yung mga kasama ko. "Alam niyo, guys, walang mangyayari kung iiyak at tutungaga kayo d'yan." Tumingin naman agad sila sa akin nang makuha ko na ang atensyon nila. "Kung ako sa inyo, sisimulan ko ng kausapin si Dean, I mean, Dr. Pantorillo tungkol dito. Sabihin niyo sa kanya ang nangyari," at tinaasan ko sila ng kilay pagkasabi ko nito. Ang simple lang ng gagawin nila, hindi pa nila magawa.

"Ate Bec... May isang problema pa po kasi tayo eh..."

Hinintay ko ang susunod niyang sasabihin habang nakapalumbaba ako sa harapan niya.

"Nag-quit na po lahat ng members ng Debate Team. Kaming tatlo na lang po ang natira."

Sa lahat naman kasi ng oras na pwedeng umalis si Sir Railey, bakit ngayon pa? Ano bang balak niya sa akin? Gawing nanay ng tatlong babaeng 'to? Nakakainis. Puro siya utos tungkol sa mga topics na kailangang i-research tapos siya naman 'tong biglang mawawala.

Sa kabila ng lahat ng stress sa mukha ng tatlong babae sa harapan ko, hindi napigilang hindi matawa. Nakakatawa kasi silang tatlo. Parang katapusan na ng mundo sa mga reaction nila.

"Anong nakakatawa, Ate Bec?" tanong ng isa sa akin. "Kapag hindi po namin naiayos ang Debate Team, malalagot po ang Scholarship naming tatlo. Hind naman po kami sumali rito para kay Sir Railey hindi tulad ng ibang members. Sana po ibahin niyo kami."

Naging seryoso lang ako sa narinig ko mula sa pangalawang babeng nagsalita. "Kung ako sa inyo, sisimulan ko ng kausapin si Dean, ngayon rin."

"Pero Ate Rebecca. Nahihiya po kaming kausapin si Dean. Pwede po bang tulungan niyo muna kami sa ganitong bagay? Promise po. Babawi po kami next time. 'Wag lang po sa ganitong usapan," sagot ng pangatlong babae sa akin.

Pumayag naman ako. "Ngayon ko lang gagawin 'to. Pero sana tandaan niyo na since member kayo ng Debate Team, kailangang tibayan at lakasan niyo palagi ang loob niyo. Gets?"

Tumango naman silang tatlo.

AGAD NAMAN akong naglakad papunta sa office ni Dean. Mabuti na lang at isa ako sa pinalad na maabutan siya sa loob ng office niya. Pinaliwanag ko sa kanya ang nangyari. Wala naman siyang kakaibang reaksyon. Kakausapin daw muna niya si Sir Railey, pero for the mean time, hanapin ko raw muna ang teacher na nagngangalang Miss Salazar sa College of Arts and Letters.

"Here. Give her this letter so she'll know that I am asking her about this thing." Inabot naman sa akin ni Dean ang isang long white envelope.

Lumabas ako sa office ni Dean na dala-dala 'yon. Nasa sixth floor ang room ng mga teacher ng College of Arts and Letters kaya naman umakyat pa ako sa itaas para hanapin 'yung Ma'am Salazar na sinasabi sa akin ni Dean.

May ilang estudyante ang nasa harapan ng office ng College of Arts and Letters. Kaya naman nagtanong muna ako kung sino ang Ma'am Salazar na tinutukoy ni Dean. Sa lahat ng tinanong ko, isa lang ang sinagot nila sa akin.

"Ah. Si Ma'am Salazar po ba? 'Yung maganda?"

Kumatok na ako sa pinto bago pumasok. Mahirap na. Baka maakusahan na naman ako ng walang galang ng wala sa oras. Pagkita ko sa mga teachers, binati ko naman sila ng isang matamis na good afternoon. Dahil sa ginagawa ko ngayon, pakiramdam ko, isa na akong mabait na estudyante.

Hinanap ko sa mga desks ng teachers kung sino ang tinutukoy nilang maganda. Kaunti lang naman ang mga teachers sa loob. Kaya pakiramdam ko, iisang babae lang ang tinutukoy ni Dean at ang naging teacher namin kaninang umaga.

Si Ma'am Anna.

Lumapit ako sa kanya dala ng long white envelope. Nasa gilid ako ng lamesa niya habang abala siya sa pagbabasa sa laptop niya at sa pag-inom ng kape. Nang makita niya naman ako, saktong humigop siya sa kape niya at nang walang anu-ano ay...

"Oops. Sorry. I did not mean to do that," pagpapaumanhin niya nang maibuga niya sa akin ang nainom niyang kape. Kung hindi ba naman siya bastos, bakit niya gagawin 'yon 'di ba? "Natawa lang kasi ako sa binabasa ko. I'm so sorry." Ito pa ang dinugtong niya.

"Ma'am, umayos naman po kayo," hindi ko mapigilang hindi lagyan ng sarcasm ang sagot ko sa kanya. Nakasuot ako ng uniform tapos bigla niya lang dudumihan.

"W-What?" at napansin kong nagkunot ang noo niya nang tanungin niya ako. Ako pa nga dapat ang magalit pero siya itong napakasama ng reaksyon. Nananadya ba siya?

"I said. Umayos naman po kayo."

Hindi ko na siya hinintay na sumagot. Inabot ko na lang sa kanya ang envelope na pinabibigay ni Dean. Bahala siya sa buhay niya. Sana hindi niya tanggapin 'yung offer ni Dean. Baka saksakin ko na lang siya ng matatalim na salita habang nagpa-pratice kami para sa Debate.

Sir Railey naman. Bakit ngayon mo pa kami iniwan eh sa July 30 na 'yung unang Debate Contest na sasalihan namin. Damn you.

Sir, You're Hot. FINISHED.Where stories live. Discover now