Chapter 5

22 0 0
                                    

Lumipas na ang ilang linggo at nakikitira pa rin ako kay Sir kasi wala akong mahanap na matino na dorm tiyaka sobrang busy rin ako kasi ang dami kong ginagawa pero naiintindihan niya naman ako kasi pinagdaanan niya rin yun nung estudyante pa siya. Feel at home na nga ako sa bahay niya eh tiyaka medyo close na rin kami.

"Uy girl! Alam mo ba birthday ngayon ni Sir Kyle ngayon?"

"Oo naman! Binati ko na siya kanina nung nakasalubong ko siya tapos nagthank you din siya sa akin tapos ngumiti pa. Kinikilig ako waaaa!!!"

Ano ba naman 'tong mga babae na 'to parang wala sa Library ang iingay nila 'di tuloy ako makapagcocentrate sa paggawa ng plate. Pero teka, tama ba narinig ko birthday ngayon ni Sir? Kaya pala kaninang umaga tinanong niya ako kung may sasabihin daw ba ako sa kanya tapos nung sinabi kong wala naman medyo na-bad trip siya. Ayoko naman mag-assume na na-bad trip siya dahil dun siguro kasi masama gising niya tiyaka ang alam ko August birthday niya pero hindi ko alam na ngayon yun. Akalain mo nga naman ka-birthday niya pala si G-Dragon my lovessss.

Napagpasyahan ko na lang na wag ituloy ang paggawa ng plates kahit bukas ko na ipapasa yun sa kanya. Bahala na nga! Pupunta na lang ako ng Mall para maggrocery at bumili ng regalo.

Dumiretso ako sa shop ng Parker Pen kasi yun yung naisipan kong iregalo sa kanya.

"Good Morning Ma'am! How may I help you?"Bati sa akin nung sales lady pagpasok ko sa shop.

"Hi! Good Morning! Can you show me your latest models? Pangreregalo ko sana eh."

"This way Ma'am"Then she guided me papunta dun sa mga nakadisplay na ballpen.

"Ito Miss pwede makita?"Sabay turo ko dun sa isang ballpen.

"Ito po Ma'am"Sabay abot sa akin nung ballpen.

Paghawak ko nung ballpen naalala ko agad yung pagreregaluhan ko kasi simple lang siya pero ang lakas ng dating parang si Sir lang tapos ang smooth pa ng texture. Parang ang sarap ipangsulat.

"Sige Miss kunin ko na 'to. Pwede ba magpa-engrave ng pangalan?"Sabay abot ko sa kanya.

"Yes Ma'am!"

"Pwede ko din makuha ngayon?"

"Yes po pero after an hour."

"Sige lang. May bibilhin pa kasi ako eh. Balikan ko na lang mamaya."

"Ok po. Cash or Credit Card?"

"Credit Card"Pikit mata kong binayaran kasi alam kong mahal talaga yung ballpen. Buti nga libre na lang daw yung pa-engrave kasi ako daw first customer nila tiyaka yun daw yung first piece na naibenta nila sa dalawang ganung model na meron sila sa shop nila.

"Paki-sulat na lang po kung anu pong ieengrave."Sabay abot sa akin nung ballpen at papel. Sinulat ko naman yung buong panglan ni Sir: Engr. Kyle Javier Acosta.

Paglabas ko nung shop dumiretso agad ako sa Jollibee para kumain kasi gutom-gutom na talaga ako ang dami ko ngang na-order pero binilisan ko na lang kasi nagmamadali talaga ako. Pagkatapos ko naman kumain pumunta ako sa National Bookstore para bumili ng Birthday Card yung tumutunog ng Happy Birthday kapag binubuksan pati sa paggawa ng banner.

After nun dumiretso na ako sa grocery para bumili ng Ice Cream pati ng ingredients ng Baked Salmon yun lang kasi kaya kong lutuin na ulam kumbaga maliban sa mga piniprito lang, kasi nagpaturo ako dati sa katulong ng tita ko kasi ang sarap niyang magluto nun. Buti nga naperfect ko nang gawin yun kasi dati talaga it's neither sunog or undercooked yung kinikilabasan sa tuwing gumagawa ako nun.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 09, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sir, You're My HomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon