Chapter 2

77 3 0
                                    


Monday nanaman, ibig sabihin may Steel ako ngayon ibig sabihin ulit mamemeet ko nanaman yung prof ko na kupal pero hindi na siya masyadong kupal kasi hinatid niya ako sa bahay nung Thursday. Hehe!

Naglalakad na ako papuntang classroom nang maramadaman kong may kumalabit sa akin.

"Hi Ms. Chavez"

"Hi Sr. Kyle"Sabi ko sabay ngiti ng pagkatamis hahaha!

"Nalate ka ba nung Friday sa class mo?"

"Hindi naman po sanay naman din po ako sa puyatan eh"

Pagdating namin ni sir sa room kami na lang ata ni sir ang kulang. Tapos pagtingin ko kay Miggy ngingisi-ngisi.

"Hoy! Anu yun? Bakit magkasabay kayo ni sir? Ikaw ah! Dumadamoves ka!"Sabi sa akin ni Aly.

"Hoy! Hindi ah! Nagkataon lang na nagkasabay kami jan sa hallway."

Nagdiscuss lang si Sir tungkol sa mga ipapasa naming plates sa kanya then out of the blue tumigil siya sa pagdidiscuss at tumingin sa akin.

"Oh Ms. Chavez, kumusta ang concert?"Hala siya! Bakit ngayon lang siya nagtanong, samantalang hinatid niya ako sa bahay nung Thursday. Nakakahiya tuloy, agaw eksena lang ang peg!

"Masaya po"Yumuko na lang ako kasi nahijiya talaga ako.

"Gaano kasaya?"Pag-angat ko ng tingin sa kanya nakangiti siya.

"Basta masaya po"

After nun, tinuloy niya yung pagdidiscuss and after an hour dinismiss niya na kami.

Pauwi na sana ako nang hatakin ako ni Miggy.

"Hoy! Babae saan ka pupunta?"Sabi ni Miggy sa akin sabay pingot sa akin.

"Ouch! Sakit nun ah!"Sabi ko sabay himas sa tenga ko.

"Oo nga!"Pag-agree naman ni Aly.

"Mag-uusap pa tayo tungkol sa Thesis natin."Singit ni Miggy

"Ayyy!! Oo nga pala 'no!"Sabi ko sabay sapo ko sa ulo ko. Actually, alam ko naman talaga tinatamad lang ako kasi gusto ko na umuwi.

No choice ako kundi sumama na lang sa kanila sa isang cafe sa labas ng school. Pagkatapos namin umuwi na rin kami buti na lang sinabay na ako ni Miggy. Nakalibre nanaman ako ng pamasahe! Yess!

Pagpasok sa gate ng bahay namin nakita ko yung kotse ng parentals ko nakapark sa may garahe. Himala yata nandito sila. Well, deadma na lang kaya dire-diretso ako sa pagpasok ng bahay.

"What's the meaning of this?!"Sigaw sa akin ng Papa ko habang hawak niya yung paper na may mga grades ko.

"I've tried telling you it! Pero busy kayo lagi!"Sus! Ang tagal na nun ngayon lang nila nakita.

"Ang sabihin mo nagpabaya ka lang. Anu na lang sasabihin ng ibang tao na madedelay ka sa paggraduate. Bakit hindi mo gayahin ang mga kuya mo?"

"Yan nanaman kayo! Kinukumpara niyo nanaman ako kina kuya! I did my best Pa! Pero hindi niyo alam yun kasi lagi namang kayong wala. Tiyaka kaya lang naman ako sumabit sa subject na yun kasi 'di ako nakapagtake ng finals kasi naconfine ako nung time na yun. Pero syempre hindi niyo alam kasi nga wala kayo!"Alam ko namang sa aming tatlong magkakapatid ako ang pinakamahina eh. Pero 'di niya naman kailangan na ikumpara ako lagi kina kuya.

"Bakit 'di mo ginawan ng paraan?!"

"I also did Pa! But when I went to school after I got discharged he already quit his job."

Sir, You're My HomeKde žijí příběhy. Začni objevovat