Chapter 4

74 2 1
                                    

On the way na kami ngayon ni sir at medyo malapit na rin kami kaya kailangan ko nang bumaba.

"Sir, pakitabi na lang po jan kanto."

"Huh? Bakit?"Tanong niya na may pagtataka.

"Alangan namang sumabay pa ako sa'yo hanggang school edi nakita pa tayo ng mga tao tapos kung ano-ano pa iisipin nila."Mahaba kong litanya sa kanya.

"Sige! Sure ka bang dito ka na? Medyo malayo pa 'to. Doon na lang kaya banda."Sabi niya sabay turo niya sa kabilang kanto.

"Oks na 'to! Sasakay na lang ako ng Jeep."Then I showed him my thumbs up.

Pababa na sana ako ng kotse nang pigilan ako ni Sir. "Wait!"

"Bakit sir?"

"Ano palang no. mo?"Yieeee!! First move siya! Kilig ako! Chosss!

"1 po hahaha!"Sinamaan niya lang ako ng tingin. "Joke! Para saan ba?"

"Para mamaya kokontakin na lang kita mamaya kapag pauwi na ako para sumabay ka na lang sa akin."Akala ko naman kung ano. Sus! At least gusto niya akong isabay! Yieee! Kilig ako.

We exchanged numbers tapos bumaba na ako. Tapos sumakay na ako ng Jeep. After a few minutes, voila! Nasa school na ako. Dumiretso na din ako agad sa classroom. Buti pagdating ko ng room wala pa yung prof namin.

After a few minutes dumating na din yung prof namin. Pinagdiscuss lang niya kami with our groups para sa thesis namin. Ganun lang ginawa namin for the whole period hanggang matapos yung subject.

"Oh Kaylee uuwi na ako. Sabay ka na sa akin."Yaya sa akin ni Miggy.

"Hindi na. Tatambay pa ako sa library, gagawa pa ako ng plates eh."Hindi naman ako pwedeng sumabay kasi hindi na ako sa amin umuwi.

"Sige! Ingat ka mamaya pag-uwi mo. Bye!"Then he waved goodbye.

"Ako rin Kaylee una na ako."Sabi ni Aly tapos umalis na rin siya.

"Egis!"

Dumiretso na ako sa library para tumambay este gumawa ng plates na ipapasa ko kay sir sa Thursday.

Cocentrate na concentrate ako sa paggawa ng plates habang nakikinig ng music nang naramdaman ko na may nagtanggal ng earphones ko.

Paglingon ko si "Nathan!!! Waaa!!! Namiss kita!!!"Impit kong sigaw sabay yakap sa kanya. Childhood bestfriend ko siya kasi kapitbahay namin siya dati nung hindi pa sila lumilipat ng bahay.

"Hindi nga halata na namiss mo ako masyado. Ang higpit ng yakap mo eh, 'di ako makahinga. Hahaha!"Sabi niya habang tumatawa.

"Heh! Buti nga namiss kita eh. Bakit ka nga pala nandito?"

"Hindi po ba obvious sa uniform ko na dito ako nag-aaral? Hahaha!"Pilosopo much ah! Binatukan ko nga.

"Aray ko!"Sabay himas sa ulo niya.

"Hindi ka rin pilosopo 'no? Hahaha! Kailan ka pala nagtransfer?"

"Ngayong sem lang."

"Bakit hindi mo man lang sinabi na lumipat ka na pala? Nakakatampo ah!"Tapos umarte akong nagtatampo.

"Sus! Naku! Nagtatampo si babygirl! Surprise kasi kaya 'di ko sinasabi tiyaka gusto ko na personal mo akong makita."Kaya babygirl tawag niya sa akin kasi endearment niya para sa akin kasi mas matanda daw siya sa akin. What a lame reason! Hahaha! Pero ok lang kasi pabor naman sa akin kasi ang cute lang ng endearment niya parang ako lang. Hahaha!

Sir, You're My HomeWhere stories live. Discover now