Chapter 1

98 2 2
                                    

"HOY!!!"Teng ene! Nagulat ako dun ah!

"SIRA ULO KA BA MIGGY?! ANO BANG PROBLEMA MO?! BAKIT KA BA NANGGUGULAT?!"Ang ganda ng pagmumuni ko dito sa hallway habang naglalakad sabay manggugulat siya ah. Asar lang ah!

"Chill ka lang dre! Hahahahaha bakit ba parang ang lalim ng iniisip mo?"

"Iniisip ko kung papasok pa ba ako or hindi tiyaka mamaya na rin yung concert ng Big Bang eh. Hehehe!"

"Haha gagi! Pumasok ka na. Teka, bakit ka nga pala tumakbo agad nung pag-alis ni sir nung isang araw?"

"Eh kasi nakakahiya, narinig pa niya yung mga pinagsasabi ko tungkol sa kanya. Bakit niyo nga pala hindi sinabi sa akin na nasa likod na pala siya?!"

"Nilalakihan ka na nga namin ng mata tapos ikaw pa rin 'tong dada ng dada yan tuloy. Hahahaha! Halika na nga pasok na tayo."Sabi niya sabay hila sa akin papasok ng classroom.

"Bitawan mo nga ako hindi mo naman ako kailangang hilahin, papasok naman ako eh."

Pagpasok namin nandun na sa loob si sir nakaupo sa table niya at ngingisi-ngisi lang habang nakatingin sa akin. Well, deadma na lang ako at umupo sa harap niya kasi alaphabetical yung seating arrangement namin and Chavez ang apelyido ko so sa harap ako nakaupo.

"Aly,nag-attendance na ba si sir?"Mahinang tanong ko kay Aly baka kasi marinig pa ni sir. Cruz kasi apelyido niya kaya katabi ko siya.

"Hindi pa."Buti naman kundi GG na ako kasi nalate na ako sa kanya dati nung 2nd day namin sa kanya. Tatlong late is equivalent pa naman ng isang plate tapos isang absent naman ganun rin. Ang hassle pa naman 'nun kaya buti na lang talaga! Woooh! Wagi!

Nagdiscuss lang naman si sir pero maaga siyang natapos kaya pinabayaan niya na lang kaming gawin kung anung gusto naming gawin. Yung iba gumagawa ng plates na ipapasa rin sa kanya by the end of the day, buti na lang talaga tapos ko nang gawin yung akin at napasa ko na rin sa kanya nung isang araw pa. Kaya eto nangdadaldal na lang ako.

"Uy Kay! Diba manonood ka mamaya ng concert ng Big Bang?"Tanong ni Aly sa akin.

"Oo, bakit?"

"Patingin ng ticket mo"

"Eto oh!"Sabay abot ko sa kanya

"Patingin nga rin"Sabi naman ni Miggy sabay hablot kay Aly nung ticket.

"HOY!Ang kupal mo!Jusko!Kapag napunit yan sasamain ka talaga sa akin."Sigaw ko sa kanya, pero deadma ang kuya niyo. Tapos tawanan ba naman ako.

"Sir, tingnan mo 'tong si Ms. Chavez manonood ng concert 'di naman naiintindihan."Sabi niya kay sir, tapos ito namang si sir tumawa lang. Ano naman nakakatawa dun?! Ang mahalaga ramdam ko yung music tiyaka may translation naman ng lyrics eh. DUH?!

Nung dinismiss kami ni sir didiretso na sana ako sa gate kung di lang ako hinila ni Miggy papuntang parking lot. Kanina pa siya naghihila ah! Naku! Kapag ako nabalian ng buto makikita niya talaga yung hinahanap niya!

"Kanina ka pa ah! Ano bang problema mo?! Malelate na ako sa concert!" Hindi naman ako galit sa kanya. Asar lang siguro ng very slight hahaha!

"Para kang tanga mamaya pang 8 yung concert eh ala una pa lang! Tiyaka ikaw na nga 'tong ihahatid eh ayaw mo pa?! Tutal wala na rin naman akong klase eh."

"Hahaha ayyy gusto ko yan! 'Di mo naman sinabi eh. Let's go!"Ayos ah! 'Di na ako mahihirapang magcommute papuntang MOA.

Pagdating namin ng MOA kinuha ko muna yung no. ko para sa VIP Dance tapos kumain kami tiyaka nagpalamig lang muna sa mall para magpalipas oras. Nung malapit nang magpapasok pumila na ako tapos pinaalis ko na rin siya kasi balak pa niya akong hintayin hanggang matapos yung concert tutal daw magkalapit yung bahay namin tiyaka delikado na pag hating gabi, sinabi ko na lang sa kanya na may susundo sa akin kahit wala naman. Abuso na rin kasi 'no na hinatid niya na ako dito tiyaka hindi naman ganun kakapal ang mukha ko 'no although siya yung nagpresinta tiyaka ang alam ko maaga pa ang pasok niya bukas.

Sir, You're My HomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon