"What are those?"

Napansin ko kasing ang dami-dami niyang pinamili.

"Ito ba? Ah eh mga laruan 'to tsaka pagkain. Bibisitahin ko kasi ang mga bata sa orphanage na tinutulungan ko. Gusto mo sumama dude p-pero kung ayaw mo okay lang naman?"

Alanganin niyang tanong sakin.

Napangiti naman ako.

She's uniquely kind.

She never fail to amaze me. Everyday there is something new that makes me love her even more than the day before.

"Ofcourse I'd gladly accept your invitation. Pero ako na ang magbibitbit ng mga yan."

Tinuro ko yung dalawang malalaking plastic na hawak niya.

"Wag na dude..nakakahiya naman sayo. Tsaka ako na lang para naman mag-improve pa lalo ang mga muscles ko."

"I insist."

Wala naman siyang nagawa kaya ibinigay niya na lang sa akin.

"Ang sweet naman ni kuya."

"Sana magkaroon din ako ng ganyan kaguwapo at kasweet na boyfriend."

"Ay sayang may girlfriend na pala si kuya pogi."

I cant stop myself from smiling because of what I heard.

Napagkamalan nilang girlfriend ko siya.

"Tara."

Sabay kaming naglakad palabas ng Mall.

A wonderful thought pops in my mind.

I smiled.

Finally!

'Now I'm getting closer to my Casidee.'

👑👑👑


Casidee's POV

"Ate Cas."

Sabay-sabay na sabi ng mga bata at mabilis na nagsitakbuhan papunta sa akin, sa amin.

Napangiti naman agad ako.

Agad silang pumalibot sa amin ni Tyrone.

"Hello po Ate Cas! Namiss po namin ikaw."

Sasagot na sana ako pero...

"Ate Cas sino po siya?"

"Ah siya si Tyrone frie--"

Pero imbes na pakinggan ako, bumaling na agad sila kay Tyrone.

"Kuya boyfriend po ba kayo ni Ate Cas namin?"

Nagmukha akong kuwago dahil sa biglaang paglaki ng mga mata ko.

Sus maryosep na mga bata 'to.
Daig pa si boy abunda kung makapagtanong.

Napansin ko naman na may ibinulong si Tyrone dun sa batang nagtanong kanina.

Nagtaka naman ako nang bigla na lang humagikgik ng mahina yung bata tapos hinila na ako papasok ng orphanage.

Pagpasok namin sa loob sinalubong agad ako ng mahigpit na yakap ni Sister Rose at Sister Mary.

"Iha mabuti naman at nakadalaw ka ulit dito sa orphanage. Alam mo bang miss na miss ka na ng mga bata?"

Sobrang na-touch naman ako sa sinabing iyon ni Sister Rose.

"Sandali. Sino naman itong napaka-guwapong binata na kasama mo? Nobyo mo ba siya iha?"

Kung kanina lumaki lang ang mga mata ko sa pagkagulat ngayon naman halos malaglag ang panga ko sa sahig dahil naman sa pang-iintriga ni Sister Mary.

Wengya daig ko pa ang artista sa pang iintriga nila sa lovelife ko.

Lovelife?

Yuck..ano ba 'tong iniisip ko nakakadiri!

Magsasalita pa lang sana ako para pumrotesta pero pinutol agad ako ni Tyrone.

Aba bastusan! Upakan ko kaya 'tong yelong 'to.

"Malapit na po. Nililigawan ko pa lang po kasi siya."

Muntik na akong masamid sa sarili kong laway dahil sa isinagot ni Tyrone.

Nakarinig naman ako ng sabay-sabay na pag 'Ayieeeee' na mula pala sa mga bata.

Humanda ka talaga sakin mamaya Tyrone Ice Flivier!

Fastforward...

Nakaupo ako sa swing na malapit sa may garden ng orphanage habang pinagmamasdan ang mga batang masayang nakikipaghabulan kay Tyrone.

Hindi ko lubos maisip na may itinatago palang kakulitan ang lalaking 'to.

Tsk tsk tama nga ang sabi nila na 'Don't judge a book by it's cover.'

Habang nakatingin sa mga batang masayang naglalaro nakaramdam ako ng lungkot.

I wish I could be like them.

Malaya.

Nakangiti.

Walang ibang iniisip.

But I guess life will never be fair to me.

"You seems sad."

Nahinto ako sa pag-eemote dahil sa biglaang pagtabi sakin ni Tyrone.

"Panira ka naman dude, kita mo ng nagsesenti-mode ako ngayon."

He eyed me with confusion written in his face.

"Haist! Wala. Huwag mo na lang intindihin yung sinabi ko. Teka teka may kasalanan ka nga pala sakin. Seriously dude bakit mo naman sinabi kina Sisters at sa mga bata na nililigawan mo ko? Wengya..di kinaya ng brain cells kong iprocess yung mga pinagsasabi mo kanina."

"T-teka anong nginingiti-ngiti mo diyan? Akala ko ba hindi ka marunong ngumiti."

Mahabang litanya ko sa kanya.

Iniwas ko ang tingin ko palayo sa kanya.

Kasi naman eh...

Lord ang daya niyo naman.

Why does he look perfectly handsome everytime he smiled? And heck why does my heart is beating so fast everytime he do that?

"I'm just happy that's why."

Happy? Siguro mahilig lang talaga siya sa mga bata. Ang saya saya niya kasi kanina habang nakikipaghabulan sa kanila.

Maya-maya lang...

"Oh akala ko ba happy ka..then dude why are you pouting now?"

JuiceKoLord...anong nangyayari sa yelong 'to? Kanina lang halos hanggang tenga ang ngiti tapos ngayon naman daig pa ang pato kung pahabain ang nguso niya.

Inabot niya sakin yung bimpong kanina pa niya hawak tapos tinuro niya yung likod niya while still pouting.

Cute!

Ahh gets ko na.

Kinuha ko naman yung bimpo at pinunasan ko na yung likod niyang basang-basa ng pawis.

"Oh ayan dude ok na."

Humarap naman siya agad sa akin.

"Thank you."

Ngumiti lang ako sa kanya at hinila ko na siya papunta kina sister at sa mga bata.

Habang hila-hila ko siya may isang ideyang pumasok sa isip ko.

Siguro isasama ko na lang siya palagi sa tuwing bibisita ako sa orphanage. Para naman palagi ko siyang nakikitang nakangiti.

Cold Man's Possession (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora