Part 4:

13.2K 303 2
                                    

Casidee's POV

Pag-uwi ko sa bahay as expected puro mga maids lang ang bumungad sa mga mata ko.

As expected, wala sina Mom and Dad.

'Ano ba Casidee hindi ka pa ba nasanay?'

Mahinang bulong ko sa sarili ko.

Paniguradong kakain na naman ako nito ng mag-isa mamaya.

Umakyat na ako papunta sa kuwarto ko.

Nagbihis ako agad at kinuha ang susi ng motor ko.

Pagkababa ko naabutan ko si Nanay Nancy na abala sa paglilinis.

Agad akong lumapit sa kanya at ginawaran siya ng isang mahigpit na yakap.

"Nanay mabuti naman po at nandito na kayo. Namiss ko po kayo. Teka kumusta po pala ang pagbisita ninyo sa mga anak niyo sa probinsiya?"

Napansin ko naman ang bahagyang pagngiti niya.

Si Nanay Nancy ang kasa-kasama ko simula pa ng maliit pa ako.

Ni minsan hindi ko siya itinuring na Yaya o katulong.

Itinuring ko siya bilang tunay na nanay ko.

Siya ang totoong nag-aruga sa akin.

Siya ang tanging nagtiis sa kakulitan ko.

Kaya mahal na mahal ko 'to eh.

Kasi sa kanya ko naramdaman kung paano mahalin at alagaan.

"Naku namiss rin kita Casidee anak. Maayos naman ang kalagayan ng mga anak ko sa probinsiya tsaka pinadala nga pala nila sa akin yung mga kakanin na paborito mo."

"Ganun po ba. Kapag tumawag po kayo sa kanila pakisabi po na maraming maraming salamat. Ahm Nanay Nancy mauuna na po ako may bibilhin pa kasi ako eh."

"Sige mag-iingat ka anak."

Naglakad na ako papunta sa motor ko.

Mabilis ko itong pinatakbo at wala pang sampung minuto nakarating na ako sa aking destinasyon.

👑👑👑


Tyrone's POV

Tss.

I already know that I'm handsome pero ang nakakainis lang dahil masyado namang pinapahalata ng mga babaeng 'to na kanina ko pa nahahalatang sumusunod sakin.

Sometimes I think that this face of mine is a curse -.-

I was roaming around the mall then an adorable thing caught my attention.

A very cool bracelet.

I immediately entered in that botique.

I was about to grab the bracelet pero may nauna sa akin.

And I was about to shout at whoever she is na bigla bigla na lang sumusulpot pero napahinto agad ako.

Casidee?

"Uy dude ikaw pala. Sensiya na kung inunahan kita ha. Ang cool kasi nitong bracelet kaya pwede bang ako na lang ang bibili."

Paghingi niya ng paumanhin sa akin.

"It's okay."

Afterall I was about to buy it for her.

Pero inunahan niya na naman ako -.-

Gusto ko sanang sabihin sa kanya pero 'di ko na lang tinuloy.

Napatingin ako sa naglalakihang plastic na bitbit niya.

Cold Man's Possession (Completed)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें