Part 1:

19.3K 437 5
                                    


Casidee's POV

"How many times would I tell you to stop doing such nonsense things that would surely humiliate us?"

*Blaah* *Blaah* *Blaah*

Pasok sa isang tenga tapos labas naman sa isa.

Huwag kayong mag-alala kasi sanay na sanay na ako diyan, eh sa araw-araw ba naman na ginawa ng Diyos ganyan palagi ang pambungad nila sa akin.

"What is it this time Mom? What did I do to humiliate you and Dad?"

Pinagdiinan ko pa talaga para siguradong feel na feel niya.

"Huh..now your asking me what you did. Well, the principal of your school called earlier and he told me that you put a super glue to your teacher's comb then sinagot sagot mo pa raw sa harapan ng mga classmates mo. For God's sake Casidee hindi kita pinalaki para araw-araw gumawa ka ng kalokohan at para araw-araw ipahiya mo ang pangalang matagal na naming iniingatan."

Napakasimpleng bagay pinalalaki nila.

OA lang, di ba?

Tss..eh sa nakakabanas naman talaga yung teacher na yun.
Ke bago-bago, akalain niyo ba namang imbis na magturo eh puro pagpapacute ang inaatupag. Tapos wala ng ibang ginawa kundi ang magsuklay ng magsuklay. Pabebe pa ang boses eh di ang resulta ay wala tuloy akong maintindihan kahit isa sa mga tinuturo niya.

Tsk tsk sinisira niya talaga ang reputasyon ng mga guro -.-

"Oh, should I say sorry again for making trouble Mom? But on the second thought I realized why would I bother? Eh hindi niyo naman ako pinakikinggan. Kasi ang mahalaga lang naman sa inyo eh yang pesteng pangalan na iniingat-ingatan niyo kesa sa sariling niyong anak."

*Slap*

"I'm sorry anak, hindi--"

Tinaas ko ang isang kamay ko to cut her regretful words.

"Don't worry Mom. Don't waste your prescious saliva just by saying sorry to me. All my life I already know na I'm just a big humiliation to you and Dad."

Umakyat na ako sa hagdan patungo sa kuwarto ko.

When I entered my room. I closed my eyes at nagsimula ng bumuhos ang mga taksil kong luha.

Yeah right..I'm Casidee Faith Villamor.

The unwanted daughter of Samantha and Drake Villamor.

Kung hindi sana ako nabuhay sa mundong 'to eh di sana masaya silang dalawa.

Hindi sana sila itatakwil ng mga parents nila.

I'm just nothing but a mistake.

I'm just a big humiliation on their part.

Fastforward...

Mag-isa ako ngayong nakaupo sa canteen ng school namin. Abala ako sa pagpapakain sa mga dragon sa tiyan ko. Subo lang ako ng subo. Wala eh. Ganyan talaga pag gutom.

"Psst."

"Psst."

"Psst. Casidee."

Luminga-linga ako para hanapin kung sinong baliw ang kanina pa sumisitsit at tumatawag sa pangalan ko.

"Psst! Bestpren, lingon ka nandito ko sa likod mo."

Nang tumingin naman ako sa likod.

Wengya ano bang trip ng babaeng 'to at sa dinami-dami ng pagtataguan ay sa likod pa ng basurahan?

Cold Man's Possession (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon