Epilogue

2.9K 156 115
                                    

Cherry's POV

10 years later.

JOKE

5 years later lang.

Kami parin ni Mark mylabszxcs. At walang makakatibag saming pagmamahalan. Hoho walang makakapigil.

Ngayon naman, birthday ng nag-iisang dyosa na nagngangalang Cherry Delos Reyes.

In short, birthday ko ngayon.

Diba dapat masaya ka kapag birthday mo? Kasi maraming gifts, maraming pagkain, maraming bisita, at kung ano pang marami letse.

Pero di ako masaya. Di pa kasi ako binabati ni Yai. Di naman pwedeng di nya alam. Kasi tuwing birthday ko nagcecelebrate ako kasama sya.

Binati na ako ng parents ko. Nasa Korea kasi sila nagtatrabaho para sa dyosa nilang anak.

Binati narin ako ng mga bestfriend ko. Si Anne at Hailey. Nandito nga sila sa bahay namin eh. Lumalamon. Hahaha!

Ang saya lang kasi bumalik yung dating pagkakaibigan namin. Naaalala ko tuloy nung mga dalagita (wow) palang kami. Lagi kaming magkakasamang tatlo.

Binati narin ako ng mga classmates ko, mga kapitbahay, aso, pusa, daga, ibon, kalapati, uod, langgam, ipis, lamok, langaw at butiki.

Pero si Mark di pa. T^T

Naka-ilang texts na nga ako eh. Kahit isa di manlang nagreply.

Pati sa fb, twitter, instagram, gmail, youjizz--ay charot. Minessage ko sya tapos di rin nagreply.

"Hoy mga gaga, dahan-dahan sa paglamon. Di kayo mauubusan." Sabi ko sa dalawa.

Nandito kami sa dining room at malamang ay kumakain sila.

Oo di ako kasama. Wala akong gana.

Wala kasi yung vitamins ko eh.

"Shorry na. Ang sharap kumain eh." sabi ni Anne.

Kita mo 'to. Puno pa yung bibig nagsasalita na.

"Oo nga Ryry. Kumain kana kasi. Iniisip mo na naman si Yai mo." pangangasar ni Hailey at nilantakan yung salad.

Buti nga nakamove on na sya kay Yai eh. Nagpapasalamat talaga ako sa bruhang 'to huahua. Kung di sya nagparaya, baka nagpakamatay na ako.

"Syempre naman. Di nya nga naalala na birthday ko eh." sabi ko habang tutok na tutok parin sa cellphone ko. Naghihintay sa reply ni Yai.

Maiiyak na talaga ako eh.

"Hay nako Ryry, kumain ka na lang. Di ka mabubusog sa love. Ako, pagkain lang sapat na." Sabi ni Anne. Ang takaw talaga ng babaeng to.

"Sus sabihin mo walang pumapatol sayo." Pangangasar ko.

Natawa kaming dalawa ni Hailey.

"Pa'nong may papatol eh binabanatan nya lahat ng nanliligaw sa kanya. Hahaha!" Sabi ni Hailey.

Nabuga naman ni Anne yung iniinom nyang juice. Sa mukha ko pa.

LECHEEEEE

"AAAANNNNNNEEEEEEE!!" sigaw ko.

Putek na babaeng 'to. Nagmukha tuloy akong basang sisiw.

Tinatawanan lang ako nilang dalawa. Aish. Si Anne nakapeace sign lang. -.-

"HAHAHAHAHAHAHAHAHA!"

"Qingynuh kayoooo!!"

Tignan mo tong mga 'to. Halos mamatay na sa kakatawa. Nakahawak pa talaga sa tyan nila.

RoleplayWhere stories live. Discover now