55 ♥

1.9K 119 83
                                    

Third Person's POV

Pinindot ni Mark ang doorbell sa bahay nila Cherry.

Dala-dala nya ang chocolates at dalandan na nirequest ng dalaga.

Che! Kala naman nila may poreber!

Wala pang ilang segundo ay may binuksan ng isa sa mga kasambahay nila Cherry ang gate.

"Good Morning po." bati ni Mark sa kasambahay.

"Good morning din iho. Pasok ka." Sabi naman ng kasambahay.

Aba baka sila pag magkatuluyan. Ay juk. XD

Ngumiti lang si iho-este si Mark at pumasok sa bahay nila Cherry.

"Si Cherry po?" Tanong ni Mark sa kasambahay.

Nag-aalala na si Mark kay Cherry kasi masakit nga daw ang puson. Ayaw nyang nasasaktan ang poreber nya. Alam nya kasi yung pakiramdam ng isang babaeng masakit ang puson dahil may kapatid syang babae at may nanay din sya.

K. Nakakabitter parin sila ni Cherry.

"Nasa kwarto nya iho. Kanina pa sya nandun. Puntahan mo nalang." Sagot ng kasambahay.

Nagpasalamat si Mark sa kasambahay at pinuntahan ang kwarto ni Cherry.

Hinihintay na sya ng dalaga dahil patay gutom ito. Gusto ng makakain ng chocolate at maasim na dalandan.

Kumatok si Mark sa kwarto ni Cherry. Alam nyang kwarto iyon ng dalaga dahil may nakadikit na poster ng kpop idols sa pinto. Alangan namang sa guard nila yun diba. Charot. Kpop fangirl kasi si Cherry.

Binuksan ni Cherry ang pinto ng kwarto nya at bumungad ang nag-aalalang mukha ni Mark.

Agad na ngumiti ang dalaga nang makita ang kanyang napakagwapong kasintahan. Hawak-hawak ng dalaga ang bandang puson nya. Masakit kasi talaga iyon.

"Yai. Eto na." sabi ni Mark at inabot kay Cherry yung hiniling nito.

Kinuha naman iyon ni Cherry. "Thank you Mark. The best ka talaga." Sabi ni Cherry.

"Para sayo lahat gagawin ko." Sabi ni Mark.

Langporeber mga gag-

Pagkatapos nun ay dumeretso sila sa kama-ay mali. Pumunta sila sa kama at umupo doon.

Wag kayong byun mga bh3 HAHAHA

"Namumugto mata mo Yai. Naiyak ka sa kagwapuhan ko no?" Pagbibiro ni Mark.

Pabiro din syang sinamaan ng tingin ni Cherry. "Baliw. Masakit kasi talaga. Hanggang ngayon nga eh."

Kinuha ni Mark yung isang dalandan at binalatan iyon para kay Cherry.

Pinapanood lang sya ni Cherry na balatan yun.

Kinikilig ang gaga dahil di nya alam na kakayanin palang umabsent ni Mark para lang samahan sya.

"Mark..."

"Bakit po Yai?" Tanong ni Mark habang nagbabalat parin ng dalandan ni Kendra. Hahaha

"Thank you sa lahat." Nahihiyang sabi ng dalaga.

Napahinto si Mark sa pagbabalat at tumingin kay Cherry. Ngumiti sya rito. "Wala yun. Mahal nga kita diba." Sabi nya ulit at niyakap ang dalaga. Niyakap rin sya nito pabalik. "Mahal na mahal kita Cherry." dagdag pa ni Mark at hinalikan sa noo ang kasintahan.

"Mahal na mahal din kita." sabi ni Cherry.

Langporeber.

Humiwalay sila sa pagkakayakap at nagsalita si Cherry.

"Uhm pano yan? First time mong umabsent Mark. Sorry." Tumungo si Cherry kase dahil sa kanya ay umabsent si Mark.

Hinawakan ni Mark ang mukha nya at inangat yun. "Di mo kailangang mag-sorry Yai. Kung pumasok ako ngayon, parang wala ring saysay kasi di kita makikita sa school." Pagpapaliwanag ni Mark at mahinang pinisil ang ilong ni Cherry.

"Thank you." Iyon nalang ang sinagot ni Cherry dahil kinikilig na ang bruha.

Matapos ng sweet moments (ack) nila ay nakatulog na si Cherry. Itinulog nya nalang ang sakit ng puson nya. Ayaw nya namang uminom ng gamot dahil ayaw nya daw ng lasa.

Napag-usapan rin nila ang tungkol kay Hailey. Pero ipinaliwanag naman ng maayos ni Mark kaya naniwala na si Cherry na ex nalang ni Mark iyon.

Parang may naalala si Cherry noon. Parang matagal nya ng kilala si Hailey pero nakalimutan nya lang siguro. Ayun ang gumugulo sa kanya.

Natutulog si Cherry sa kama nya habang si Mark naman ay nakaupo sa gilid ng kama. Hinahawi ang buhok na ni Cherry at pinagmamasdan kung gaano ito kaganda. Mahal na mahal nya talaga si Cherry kaya lahat ay gagawin nya.

----

{Okay walang poreber.}

RoleplayWhere stories live. Discover now