Christmas 15

20 9 0
                                    

Hindi ko inakalang kapatid niya yung Scarlet. "Breath, darating si Taña rito." Sabi ng ina niya habang kumakain kami. 



"Oo. Be friendly to her." Sabi ng daddy niya. Nakita kong napanguso ang kapatid niya. She leaned on to me.



"Malandi ang babaeng yon kaya bakuran mo ang pag-aari mo. Tsaka best friend niya si kuya at close sila. Kung ano ang pinagsasabi ng bitch paniniwalaan ni kuya." Sabi niya at tumango na lang ako. Nakatingin pala ang Mommy ni Breath sa akin at ngumiti na lang ako sa kanya. Nakita ko namang ngumiti ito ulit.



Thank God at ngumingiti na rin ito. Nakakatakot kasi ang aura niya. "Ma'am nasa labas na po si Miss Taña." Sabi ng maid nito sa akin.



"Papasusukin mo." Sabi ng ina ni Breath sa maid.



Umalis naman ang maid. Mga sampung segundo ata ay may babaeng tumatawag kay Breath at sa mommy niya. "Tita! Breath! I'm here." Tapos nakarating na ito sa hapag-kainan. "Ohh.. Nandito ka pala tito." Parang gulat pa ito at napagawi ang tingin nito kay Breath.



"H-Hi, Taña!" Bati ni Breath sa kanya.



"Nakauwi ka na pala? Oh my gosh! I'm so glad to see you," Sabi pa nito at lumapit pa kay Breath. Napagawi ang atensyon niya sakin, "Who's she?" Tanong nito at parang diring-diri pa sakin.



"Kaibigang babae--"



"In short girlfriend niya." Nanlaki naman ang mata niya sa sinabi ni Scarlet. Pati nga ako ay nagulat sa pinagsasabi ng kapatid niya.



"Y-You have a girlfriend? Nakabalik ka lang sa ibang bansa tapos nagkagirlfriend ka na? Sa'n mo 'to napulot? Baka pera lang ang habol nito," What the hell did she say? Ako? Pera ang habol? Ang kapal niya!

Christmas Love(COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon