Nasa kalagitnaan kami ng panonood nang mag salita si Shana "Dad's glad"

"Nasabi mo na?" Tanong ko at kumain ng cereal.

"Yeah" Simpleng sagot n'ya at tumahimik na ulit kaming dalawa.

Kasalukuyang Death Bell 1 ang palabas.

"Kumain ka na ba?" Tanong n'ya.

"Ng real food, I mean" Dugtong niya.

"Hindi pa" Sagot ko. Agad na tumayo si Shana at pag balik n'ya ay may dala na s'yang plastic "Pinag take out din kita" Anunsyo niya at inilapag ang plastic sa maliit na table malapit sa kan'ya.

"Hindi ka pa kumain?" Tanong ko sa kan'ya.

"Hindi pa. Mag bihis ka na, aayusin ko na 'to" Aniya at isa isa nang inilabas ang laman ng plastic. Tumayo naman ako sa pagkaka higa ko at kumuha ng damit at nag bihis sa CR.

Nang matapos akong mag bihis ay lumabas na ako at sakto naman na naka ayos na ang pagkain sa sahig na nilatagan niya ng towel. Agad akong umupo sa tabi n'ya.

"Wala kasi silang dining area kaya dito na lang tayo" Sabi n'ya at sumandal sa may kama.

"Okay lang basta kasama kita" Banat ko at sumandal din sa may kama kaso wala akong narinig na sagot galign kay Shana. Nanahimik na lang din ako at nanood na lang ng TV.

Napa tingin ako kay Shana. I badly want to cuddle with her, I badly want to hug her all day, kiss her all day. She's so close to me but I can't reach her. I should have treat her right... I should have stayed with her... If I found out my true feeling to her a little bit early, what could have happened?

"Finished staring?" Animo'y napa balik ako sa reyalidad nang marinig ang boses ni Shana at napa kurap.

Tila slow motion nang lingunin n'ya ako at tignan sa mga mata. Unti-unti siyang lumapit saakin.

Kingina, hahalikan n'ya ba ako!? Nakaka bakla man pero fuck!?!?!?!?!?!

Palapit ng palapit ang mukha n'ya sa'kin at hindi ako maka galaw sa kinauupuan ko.

"You have something here" Bulong n'ya habang naka turo sa may labi ko.

Agad ko naman itong pinunasan. Kingina, may ketchup.

Akala ko lalayo na s'ya sa'kin pero nilapit ulit n'ya ang mukha n'ya. Akala ko hahalikan talaga n'ya ako kaso lumampas 'yung mukha n'ya at may kinuha sa likod ko at umupo na ulit s'ya ng maayos.

Napa simangot ako nang tumawa s'ya ng malakas, 'yung tipong malapit na s'yang gumulong sa sahig kaka tawa.

"You should have seen your face! HAHAHAHAHA" Again, she bursted out laughing.

"Shut up" Kunot noo at iritang saway ko sa kan'ya at nanood na lang. Kaso itong si Shana hindi maka get over at tawa pa rin s'ya ng tawa.

"That was priceless!" Natatawang aniya muli at pinigilan na ang sarili na tumawa pero wala, tumawa pa rin s'ya.

"'Wag mo akong pag trip-an Shana, pag ako nainis hahalikan talaga kita" Kunot noo at seryosong banta ko sa kan'ya.

"Palibhasa hindi mo ako kayang halikan. Weak ka" Dagdag na ismid ko at tinignan s'ya.

Tumigil si Shana sa pag tawa at tinaasan ako ng kilay "Talagang hindi kita hahalikan. It's not being weak, it's being faithful and loyal"

"You're not Sky which means you're not my boyfriend. Why should I kiss someone I'm not in a romantic relationship with?" Dagdag n'ya at itinuon na lang muli ang atensyon sa TV.

Love Is Not Over [UNDER MAJOR EDITING]Where stories live. Discover now