[18] Us

6.2K 275 62
                                    

Jungkook's POV

Hila hila ako ni Tanya. Agad akong huminto at binawi ang kamay ko sa kaniya. Napa hinto siya at nilingon ako. 

Bago pa man s'ya makapag salita, inunahan ko na s'ya.

"You should have not done that" Seryosong sabi ko at tinalikuran na s'ya.

Babalikan ko si Shana.

"Oppa!" Sigaw n'ya at hinawakan ang braso ko para pigilan ako umalis.

"Just this day! Promise, hindi na kita guguluhin just date me!" Pag mamakaawa n'ya.

Tinanggal ko ang kamay n'ya na naka hawak braso ko.

"No, Tanya" Seryosong sagot ko.

"Just stop, please?" Dagdag ko at umalis na sa harap n'ya.

Hindi pa man ako nakaka layo, nag salita ulit s'ya "Bakit ba ayaw mo ako kasama?" Halata ang galit at irita sa boses n'ya.

"Kasi ayaw ko" Simple at walang emosyon na sagot ko at pinag patuloy na ang pag lalakad pabalik kay Shana.

Hindi pa man ako nakaka layo ay tumakbo uli si Tanya sa harap ko at hinarang ako.

"Bakit ba lagi mo na lang kasama 'yung Shana na 'yun?! Tapos gustung gusto mo pa s'yang kasama!" Asik n'ya.

Napa buntong hininga naman ako.

"Please, Tanya? Just stop it" Seryosong sabi ko.

Napa suklay si Tanya sa kan'yang buhok gamit ang kanyang kamay at frustrated na tumingin sa'kin "Bakit ba ayaw mo sa'kin?! Ano bang wala ako!? Maganda naman ako! Mayaman! Ano pang wala sa'kin!? Pareho lang naman kami ng Shana na 'yun ah! Mas angat pa nga ako sa kan'ya e!" Bulalas n'ya habang pinapadyak padyak pa ang paa.

Huminga ako ng malalim at tinignan s'ya deretso sa mga mata "Wanna know why I don't like you?" Seryosong panimula ko.

"'Cause you're not Shana Xigrid Jung-Jeon. And what did you just said? You're better than her? Obviously, Tanya, hindi. Dahil hindi ganyan ang ugali ni Shana. You're just a girl, she's a woman, there's a huge difference between that two" Litanya ko at tuluyan ng umalis sa harap niya.

Akmang hihinga na ako ng maluwag dahil hindi na n'ya ako sinundan pero may pahabol pa s'yang sigaw "You'll be mine, oppa! Tandaan mo 'yan!"

Hindi ko s'ya pinansin at dumaretso pabalik kay Shana.

Akala ko ay tapos na si Tanya sa tantrum n'ya nang sumigaw ulit s'ya "MAS MAGANDA PA RIN AKO SA KAN'YA! MAS MAGANDA AKO KAY SHANA!"

Tuluy tuloy lang ako sa pag lalakad at agad akong pumasok sa restaurant na pinasukan namin kanina kaso wala na si Shana doon.

"Baka nasa hotel na s'ya" Sabi ko sa sarili ko at lumabas.

Nagugutom na ako pero ang importante ay mabalikan ko ang asawa ko. Agad akong sumakay ng elevator pa-akyat sa hotel room namin. Pag bukas ko ay naabutan ko si Shana na nanonood ng TV.

"Ang bilis naman ng date n'yo ni Tanya" Aniya ng hindi ako nililingon at nasa TV pa rin ang atensyon.

"Hindi naman kami nag date" Sagot ko at bahagyang niluwagan ang necktie ko.

"Iniwan mo s'ya?" Tanong ni Shana sabay lipat ng channel.

"Oo" Simpleng sagot ko at binagsak ang katawan sa kama.

I heard Shana puffed a small laugh and shook her head "Ang hilig mong mang iwan ng babae" Kumento niya at sumubo ng cereal. Bahagya n'ya akong nilingon at inalok ako "Gusto mo?" I squirmed my way towards her naki share sa bowl niya ng cereal at nanood ng TV.

Love Is Not Over [UNDER MAJOR EDITING]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora