ko. Kapag hindi ako naging malakas ngayon, sino pa ang
aalalay sa mga kapatid ko.
Umabsent si Francine para magbantay kay Fritz. Wala rin akong
balak pumasok ngayon. Maghahanap ako ng pera. Kailangan
kong mapaoperahan ang kapatid ko.
Pumunta ako sa restaurant na pinagtatrabahuhan ko at sinabi
kong kailangan ko munang magleave. Sinabi ko ang dahilan sa
manager. Kulang na lang manlimos ako sa daan.
"Paano ko kikita ng 50,000 ng ganun kadali?"
Hindi ko alam na navoice out ko na pala ang iniisip ko.
"May alam akong paraan, miss"
Tumingin ako sa babaeng nasa tabi ko. Maputi sya
at mukhang maamo ang mukha nya maliban na lamang
sa pulang lipstick nya. Kitang-kita rin ang seksi nyang binti
sa suot nya short shorts.
Ngumiti sya sakin. Hindi ko sya kilala pero mukha naman
syang mabait.
"Ako nga pala si Carol!" inilahad nya ang kamay nya at
inabot ko lang yon.
"Farine, teka Carol sabi mo may alam kang paraan
para makakita ako ng malaki?" tanong ko.
"Ah, yun ba? Oo..may alam akong paraan na
mabilisan"
Sinamahan nya akong kumain sa isang karinderya. Nilibre pa nga
nya ako. Interesado akong malaman kung paano ako kikita
ng malaki ng ganun lang kadali.
Noong una, akala ko nagbibiro sya. Todo tanggi pa ako
pero sabi nya, mga 3 beses lang baka kitain ko agad yon.
Natatakot ako sa totoo lang, pero mas nangibabaw ang
takot ko na mawala ang kapatid ko. Binigyan pa nya ako ng
gagamitin...
Kahit bihis na bihis na ako ay nagdadalawang-isip pa rin ako.
Wala na akong ibang maisip na paraan. Inilugay ko na ang buhok
ko. Sinabi nya sakin kung saan magandang pumwesto.
Si Francine ang nagbabantay sa ospital. Lumayo pa ako para lang
walang makakilala sakin.
Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Sabi ni Carol kung maswerte ako
kaya kong kitain ang 50,000 sa loob lamang ng isang gabi.
Tama, sinabi nya sakin na ibenta ko ang katawan ko. Pick up girl.
Desperado na ako, wala na akong ibang maisip na paraan.
Suot ko ang miniskirt na pinahiram sakin ni Carol. Naka white
tank top ako at wedge. Naglagay din ako ng makapal na
make-up para lang walang makakilala sakin.
Sobrang provocative ng suot ko at hitsura ko ngayong gabi.
Nakapwesto ako sa isang lugar at palakad lakad kahit halos
sumabog na yung puso ko sa kaba.
Huminto ang isang Montero sa tabi ko. Nakita ko ang isang
YOU ARE READING
My Hero is a Gangster *complete
ספרות נוערLove will come when you least expect it. She's simple, kind-hearted and she shoulders all the responsibilities her parents left her. Even though she seem so strong, she's still weak and her heart is seeking for comfort. On the other hand, he is a...
Chapter 17
Start from the beginning