Chapter 21

4K 120 7
                                    

Chapter 21

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at hindi ko magawang iwanan si Ryu. Sinundan ko sya

at hindi nilulubayan nung araw na yon. Gusto ko talaga malaman kung ano  ang dahilan niya kung bakit nya sinabi sa lahat na girlfriend nya ako. Hindi ko sya maintindihan. 

"Even if I tell  you, you wouldn't understand a thing" yun lang ang sinabi nya sakin.

At dahil makulit ang lahi ko, hindi ko pa rin sya tinigilan.

"Sabihin mo na sakin, promise kung ano man ang dahilan mo, iintindihin ko" sabi ko na lang kahit

sa totoo naman hindi ko sya maintindihan.

Sa huli, sinabi na rin nya sakin ang dahilan... Siguro nga nag-aassume lang ako na may kinalaman sakin ang lahat. Hindi ko matanggap na isa syang makasariling tao.

"I did that because of Ching."

Matagal bago nagsink in sakin ang sinabi nya. Dahil kay Ching? Dahil sa girlfiend ni Brix? 

Don't tell me...

"May gusto ka rin sa girlfriend ni Birx?"

Naging matalim ang titig nya sakin. I bit my lower lip and looked down.

" Do you want to listen or make up your own story?" sabi nya sakin.

Nanahimik na lang ako at pinakinggan ang sasabihin nya..

"Ching's Dad is a very influential politician. I'm just using her for the sake of my group."

Naguluhan ako sa sinabi nya. Totoo alam ko na isang politician ang daddy ni Ching sa lugar namin kaya pala parang kilala ko na sya..

"I used Brix to make Ching fall for him..kaya alam ni Ching ang tungkol sa grupo namin. I'm using her family's influence for our own protection."

Mas lalo akong naguluhan sa sinabi niya.,.Madami akong gustong itanong pero natatakot ako. Natatakot ako sa pwede kong malaman at natatakot ako sa magiging reaction nya.

Isa lang ang malinaw sakin ngayon, ginamit nya ako para hindi isipin ni Ching na may relasyon kami ni Brix, ginamit nya si Brix para paibigin si Ching, at ginagamit nya si Ching para sa sarili nilang kapakanan...

Malinaw na lumalabas na isa syang makasarili., ganun ba talagang klaseng tao sya. Wala syang pakialam sa nararamdaman ng iba. Ang mahalaga ay ang kapakinabangan nya. 

Pinaglalaruan nya ang mga tao sa paligid nya. Gusto kong magalit sakanya pero wala akong karapatan. Wala naman ako sa lugar para magalit sakanya. 

Isa pa, parang iniligtas na rin nya ako sa mga mata ng iba, kung hindi dumating si Brix at sya, siguro kung ano-ano na ang iniisip ng mga tao tungkol sakin.

May girlfriend si Alric pero lalabas na nilalandi ko sya. Pero ngayon paano ko ipapaliwanag sa lahat na wala naman talaga kaming relasyon ni Ryu. 

Bigla ko tuloy naalala ng bigla nya akong hinalikan kanina. >///<

Nakakailan na sya pero hindi ko man lang sya pinigilan. Ano bang nangyayari sakin. Akala ko

talaga may nararamdaman pa ko para kay Alric pero mukhang naguguluhan lang ako..

"Umuwi ka na! Dumidilim na, and you're a walking disaster" sabi nya habang naglalakad palayo.

Muli akong natauhan. Hindi ko napansin na dumidilim na pala. Ganun na ba katagal kaming magkausap?

"Ah..oo nga, sa-salamat ulit kanina.." sagot ko.

"Bingi ka ba? Di ba sinabi ko na na hindi ko yun ginawa para iligtas ka? Tsk"

My Hero is a Gangster *complete Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon