Chapter 34

3.6K 100 5
                                    

(Party part 3)

You just have to pull the trigger.

Parang sinadya ng pagkakataon. Nakita kong mag-isang nakatayo sa may veranda ang lolo ni Brix.

He killed my mom. He ruined my family.
It will be just so easy to take revenge for my mom. He wouldn't be able to see it. He wouldn't be able to notice or feel it.

Itinutok ko ang baril sa likod ng matanda. He's just a few meters away. I'm pretty sure I wouldn't miss.

My hand shook as I held the heavy gun. I was blinded by tears. Realization dawned on me.

I can't. I can't do it. No matter how much I despised him. I couldn't pull the trigger. Binaba ko ang baril at napaluhod ako. Mabilis na nakalapit si Ryu sakin. He held me in his arms

"I can't do it. I can't."

Binuksan nya yung baril at pinakita sakin na wala naman pala itong bala. Napatingin ako sakanya. He smiled at me.

"Let's get out of here." Hinila na nya ako patayo at bumalik na kami sa ballroom.

Masyado nang maraming taong sumasayaw. The strobe lights makes my head dizzy. Dahil sa dami ng tao at sobrang ingay napabitaw ako kay Ryu ng hindi sinasadya.

"Ryu! Ryu!!"

Hindi ko halos marinig ang sarili kong boses dahil sa ingay. Nagulat na lang ako ng marinig ng isang malakas na putok. Kasunod nun ay ang malakas na tilian ng mga tao. Sumabog sa kaba ang dibdib ko.

Nagtakbuhan ang mga tao. Halos maipit at matapakan na nila ako. Sunod-sunod ang mga putok. Nabuhay ang ilaw at nakita ko ang isang lalaki na nakadapa at umaagos ang dugo sakanyang ulo.

Sobra akong natakot. What is going on?. Napalitan ang maingay na tugtog ng malalakas na tili ng tao.

Hindi ako makakilos sa pwesto ko. Nanginginig ang tuhod ko. Napaupo na lang ako sa pwesto ko at napatakip sa tenga. Patuloy pa rin ang mga putok. I caught my breath on my throat.

Suddenly I heard a familiar voice.

"What the fuck are you doing?! Don't just stand there! Keep moving!"

Naramdaman ko ang mahigpit na pagkakahawak sa kamay ko. Nagpadala na lang ako sa pwersa ng humihila sakin. Nakakabingi pa rin ang putok ng mga baril. Halos lahat ng tao ay papunta sa exit. Napansin ko na sa ibang lugar ang tinatakbo namin ni Ryu.

"Aaaaaaahhhhhhh!!!"

Napahinto at napatili ako ng may isang bala na tumama sa pader sa pagitan namin ni Ryu.

"Goddamnit! Sinasabi ko na nga ba" Bulong nito.

Tinulak nya ako sa likod ng isang malapad na pillar. Napaupo na ako at napasiksik sa tabi nya.
Takip takip pa rin ang tenga ko. Sandali. kami ba ang pinapuputukan?

Nakita ko na binunot ni Ryu ang baril.na binigay nya sakin kanina at nilagyan ng mga bala.

"What are you going to do?" Tanong ko sakanya.

Bago pa nya ako sagutin. Bumaling na sya sa nagpapaputok samin at pinaputukan rin ito.
Pakiramdam ko nasa gyera ako.

"Listen to me! Kapag bilang ko ng tatlo. You'll jump out of that window."

"Are you kidding me!?"

Halos sigawan na kaming mag-usap. Dahil sa ingay ng mga putok. Ano bang nangyari sa maraming securities sa lugar na ito?

"We will not get out alive if you will not trust me."

Naiyak na ako. Natatakot ako sobra.

"Trust me." 

My Hero is a Gangster *complete Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon