"Wala po kasi ang parents ko, nasa ibang bansa po

yung father ko tapos wala na po yung mother ko. Ano

po bang lagay ng kapatid ko?"

"Well, to tell you the truth hija, nagkaroon ng internal hemorrage ang 

kapatid mo. We need to operate him. Kasi kung hindi the patient

may lead to brain dead."

"P..Po?"

"Kailangan nyang operahan sa ulo, hindi maganda ang

pagkakaaksidente ng kapatid mo. Kailangan maagapan

yun para hindi na lumalala pa at kumalat ang dugo sa utak

nya.."

Para akong tinakasan ng lakas sa narinig ko. Bakit ngayon

pa? Hindi ko na yata alam ang gagawin ko. I wanted to scream

but even my voice left me. Tears welled up my eyes.

"Hija, we need your parents consent...Malaki ang magagastos

para sa operation"

Ano ng gagawin ko? Hindi ko na yata kayang mag-isa to.

Sinabi ng doctor as soon as possible kailangan maoperahan

si Fritz. Kailangan ng consent ng magulang dahil wala pa ako

sa legal age para magconsent. Wala si Papa, at saan ako

kukuha ng pera? Kailangan ko magdown atleast 50,000

Umiiyak ako ng makarating sa hospital suite ni Fritz. Walang

malay ang kapatid ko at baka tuluyan na syang 

hindi magising kapag hindi ako nakagawa ng paraan. 

Matapos kong tawagan si Francine ay agad na rin syang nakarating.

"Ate?"

"FRANCINE!!" humagulgol na ako ng iyak ng makita ko

ang kapatid ko.

"Anong nangyari kay Fritz?" umiiyak na rin si Francine.

Ipinaliwanag ko sakanya ang nangyari at wala na kaming

ginawa kundi umiyak. We were like kids who were abandoned.

Pinakiusapan ko si Francine na sya muna ang magbantay

sa kapatid namin habang kumukuha ako ng gamit sa bahay.

Hindi ko alam kung paano ako kokontak kay Papa gayong

nasa China sya. Wala akong contact number nya sa China

dahil sya naman ang tumatawag samin at iba-ibang number

ang ginagamit nya. Winidraw ko na rin lahat ng savings namin.

Pero kulang pa rin yon.

Budget namin yun for the next two weeks at kailangan ko pang

maghintay ng 2 weeks bago makapagpadala si Papa. 

Ngayon ako nakaramdam ng galit sa aking ama. Iniwan lang

nya ulit kami ng basta-basta. Hindi ko kayang kitain ang

50,000 sa loob lamang ng isang gabi.

Nanghihina ako, hindi ko kayang mawala ang kapatid ko.

Bakit kelangan samin mangyari to...

Bumalik ako sa hospital, para akong unti-unting nilulubog

sa hukay habang lumalakad ako. Sobrang bigat ng pakiramdam

My Hero is a Gangster *complete Where stories live. Discover now