LRT4: Meeting

334 8 5
                                    

[A/N: Ito po yung POV nung guy. Hihihihi. Three chapters lang din ito tapos yung last chapter eh third person yung POV ^^]

“Pare, ganda nung chicks oh.” Sabi ni Klein

Maganda naman.

“Pare naman hanggang ngayon ba eh pinagluluksa mo pa rin yung namatay niyong relationship ni Kathrine?” Sabi naman ni Glenn.

“Hindi naman naging kami. Saka hindi ako nagluluksa, boy. Medyo stressed lang talaga ako kasi ang dami nating projects. Nakakasura ba yung prof natin sa CAD!”

“Nice, ano ulit yun? Stressed?” tapos bigla silang nagtawanan.

Sino ba kasi si Kathrine sa buhay ko? Wala lang naman siya. Wala lang naman ako sa buhay niya. Tss. Akala ko talaga siya na. Bigla na lang nung as in malapit na eh nagbago ang isip ko. Biglang ayaw ko na. Biglang may naramdaman ako na hindi ito dapat...na hindi talaga siya.

Napaka-hopeless romantic ko talaga.

Tatanda na ata akong binata.

Joke.

Malamang eh hindi yun mangyayari. Sa gwapo ko ba namang ito eh malamang makakapag-asawa din ako.

“Napakasaya niyo naman mga ulol. Mauna na ako sa inyo mga kulugo.”

“Porket mas gwapo ka lang ng isang paligo eh ganyan ka na makapang-asar! Isang paligo lang ang lamang mo wag kang mayabang diyan!” sabi ni Glenn

Napa-iling na lang ako habang nakangiti. Nakakatawa talaga itong mga kaibigan ko.

Sumakay na ako sa tren habang hindi pa puno. Ako lang kasi yung pa-south yung way. Sina Glenn at Klein eh pa-Monumento. Anamang ihatid ko pa sila doon?

“We are now approaching Doroteo Jose Station”

Nagulat na lang ako nung biglang as in last minute eh biglang may pumasok sa loob ng tren! Kaunti na lang talaga eh mapipipi siya nung pinto. Nanlaki talaga yung mata ko sa gulat. Makakakita ako ng Final Destination kind of death sa harapan ko.

Nakakakilabot.

Nung nakita ko yung mukha nung babae eh naka-smile pa siya tapos parang hinihingal. Kung ako din eh hihingalin din ako sa stunt na ginawa niya.

Tapos bigla siyang tumingin sa akin kaya napaiwas ako ng tingin!

Baka naman kung ano kasi yung isipin niya kaya bigla akong napaiwas. Ewan ko ba! Feeling ko nga pinagduduhan ako nito kasi lagi siyang nakatingin sa akin. Mukha ba akong hijacker ng tren? Nakasuot pa kaya ako ng uniform ko.

Kapag nararamdaman ko na hindi na siya nakatingin sa akin eh medyo titingnan ko din siya. Pfffffttt. Bakit ba ganito na ang uso ngayon? Mukha na siyang koreana sa suot niya. Baka nga koreana siya? Singkit din kasi siya eh. O kaya naman Chinese?

“We are now approaching Gil Puyat/Buendia station”

Shit. Kailangan ko nang bumaba! Hindi pa rin siya bumababa. Ibig sabihin baka sa Libertad, Edsa o Baclaran siya bababa. Para ngang ayoko na munang bumaba. Paunahin ko na lang muna siya.

Tsk. Wala na akong nagawa. Bumaba na rin ako kaagad.

Ano ba naman kasi yung iniisip ko?

Bakit naman hindi ako bababa? Bakit ko siya hihintaying makababa?

Sino ba siya?

Then it hit me.

Parang gusto ko siyang makilala.

“Pre, may ipapakilala kami sayo mamaya! Sama ka sa amin sa Central!” ang ingay talag nitong si Klein.

“Nga naman Pre, baka makita natin doon yung soulmate mo.” Nang-aasar na naman itong si Glenn.

Love Rail TransitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon