[18] GIRLINLOVE UNIVERSITY INTRAMURALS.... Na napadpad sa Quiapo.

Magsimula sa umpisa
                                    

"Di ko na kasalanan yun ano." 

Nagaaway pa kaming dalawa ni Miks doon ng biglang.. 

*O* --> Kaming tatlo. Bakit?

"E-Enzo?"

Ano ka ba Hope! Hanggang ngayon ba naman tulala ka pa rin kapag si Enzo! 

"Hi." Tapos nagsmile siya, medyo sabay sabay kaming tatlo napa 'Oooh'

"A-Anong ginagawa mo dito?" tanong ko. 

Sasagot na sana siya ng biglang tinawag na si Miks kasi game na nila! 

"Can I watch?" sabi ni Enzo.

"OO NAMAN!" sagot ni Miks. Tapos sabay sabay kami nanood ng game sa gilid ng bleachers.

"Oy Enzo, hindi ba may usapan tayo na kapag kasama mo ako pipilitin mong magtagalog kahit balibaliktad?"

"Do I have to?" sabi niya. Ang cute!

"Kung ayaw mo okay lang."

"Fine, you requested it eh. I'll speak in tagalog." OH MY GOSH. Kilig na! 

"Maiba ako, bakit nga pala hindi kita nakikitang maglaro? Sa PE o kahit sa intrams."

"Ah. I don't really like playing--"

"Tagalog!" tapos nagnod siya! Ang inosente!

"Bata pa ko, nagkaroon ako ng malaking sakit. I was--Ako ay ospital for ilang araw."

Ospital siya ng ilang araw?! Ano yun? Transform transform din pag may time?! Kaloka! Mas nanonosebleed ako sa pagtatagalog niya pero hayaan na! Para makapagpractice siya magtagalog! 

Teka, ito yung kinwento sa akin ni Venice dati! Noong nagkasakit si Enzo ng malala noong bata siya. 

"Akala ng marami I was going to die kasi hindi ako gising. Noong ako gumising hindi ako salita. That time I really want to talk but I can't. Ako masyadong mahina pa? Ewan ko. Basta hindi ako salita. After that si Venice binigyan ako candy, I was happy so naenergize ako na magsalita and after that unti unti nagsalita ako. Sabi ng doctor medyo naparalyze daw yung brain ko na naghahandle ng speech ko that time pero right now, it's okay." 

100 Steps To His Heart [Published Book]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon