Crzy101

2.6K 60 27
                                    

Ikaw ay kasalukuyang naglalakad habang nakatingin sa mapa na binigay ng inyong principal dahil hinahanap mo ang bago mong room. Isa kang transferee na nagmula sa malayong lugar kaya di ka pa pamilyar sa mga daan-at dahil mabilisan lang ang iyong paglipat-nagaway kase'y parents mo at pati ikaw ay nadamay.

Dahil sa tingin mo ay naliligaw ka na ay naisipan mong magtanong-tanong muna. Nakita mo ang isang lalaki na may dala-dalang siopao.

"Uhh...Ku-kuya...Excuse me." sabi mo. Nanlaki naman yung mata nung may dala ng siopao at agad na nagbow sabay sabi na.

"Ay sorry miss. Dadaan ka ba? Di ko naman alam na nakaharang ako sa dadaanan mo e. Sorry." sabi nya at matapos ng ilang bow pa ay agad itong nagtatakbo.

"Hey! Wa---.Haaayyyy." sabi mo at hinipan mo ang bangs mo na nakatabing na sa mata mo.

'Di ko naman kase sya pinapaalis e. Pero ang cute nya ha? He have that cute lil' face and eyes-mukha siyang CHIPMUNK.' bulong mo sa iyong sarili at nagpatuloy ka na sa paglalakad or I mean pageexplore ng nawawala mong classroom.

Nakakita ka uli ng isa pang lalaki, may dala-dala itong Gucci at nakatalikod sa iyo.

'Eto nga ang mapagtanungan.' sabi mo at lumapit ka upang kalabitin ito. Kinulbit mo ito sabay yuko-nahihiya ka kase.

"Uhh... Pwede ba magtanong? Kanina pa kase----"

"Bakit miss? May umaaway ba sayo?" sabi ng lalaki sa isang ma-awtoridad na boses kaya napatingin ka sa mukha nito-nakakatakot yung mga mata. Napalunok ka.

"Hehe... Wa-wala pala. Nakalimutan ko itatanong ko s--sa--sayo e. Sa---salamat na--nalang." sabi mo at agad kang tumalikod para makalayo sa nakakatakot na mata ng lalaking yun.

'Ano ba yan! Bat ba ko nagpatalo sa takot ko sa mata ng taong yun?!' galit mong sabi sa sarili mo at halos sabunutan mo na ang sarili mo dahil sa sobrang inis. Di mo alam may nakamasid na sayo... Isang tao na dapat mong katakutan, isang disease na dapat mong iwasan, ito ang CHEN VIRUS XDD

Halos isang oras ka na din naghahanap sa room na dapat mong pasukan.

'Kung bakit ba naman kase ang laki-laki ng eskwelahan na to!' reklamo mo habang nililinga-linga mo ang paligid.

Nakakita ka uli ng isang tao na nakatambay sa may puno, nakaupo siya sa pinakasanga nito at wari'y nakatingin sayo. Naisipan mo na naman na magtanong.

Nung malapit ka na sa puno ayan na naman yung mga second thoughts mo-baka masungit,arogante,mayabang o ano pa man. Pero syempre andyan pa yung ibang side mo saying na wag muna manghusga kase kapag pinairal mo na naman ang pride mo o kaya ay yung takot mo patuloy ka lang maliligaw.

So ayun, nagtuloy ka na sa paglalakad. Pagdating mo sa pinaka-ugat kahit nahihiya-hiya ka pa e nagsalita ka na.

"Ehem...Uhh... Ku---kuya... Pwe---pwede b--ba ma---magtanong?" sabi mo na nahihiya talaga and your stuttering.

"Oo naman. Ano ba yun?" sagot naman nitong lalaki. Tumingala ka dito at nakita mo na nakangiti ito sayo nang malapad, you calmed yourself.

"Pwede ba magtanong kung saan makikita yung Asdfghjkl room?" tanong mo naman. Tumango naman ang lalaki at lalong ngumiti.

"Oo naman. Diretsuhin mo yung hallway na 'to at lumiko ka sa kanan tapos diretsuhin mo uli sabay liko sa kaliwa. After 5 rooms andun ka na." sabi naman nito.

"Ganun ba? Salamat sa tulong mo. Such a big help." sabi mo at nagbow ka na sabay alis.

Sinunod mo ang sinabi ng lalaki at magkakalahating oras na ay hindi mo parin nakikita ang hinahanap mo na kwarto.

'Mali-mali naman yung binigay na direction nung lalaki e. Nakakainis.' bulong mo habang naglalakad sa pasilyo. Kase hanap ka ng hanap ng lilikuan e dire-diretso naman yung hallway. Medyo adik din noh?

Napagod ka na sa paghahanap at napaupo sa floor ng hallway.

'I give up.Ayaw ko na.' sabi mo at halos maiyak ka na. Ngunit di pa tumutulo ang luha mo ay may biglang kumalabit sa iyo.  ANG GWAPO *Q* sabi mo at hindi ka man lang mapakurap. Inalog ka ng lalaki.

"Hey Miss, ayos ka lang ba?" tanong ng lalaki. Umiling ka.

"Kanina ko pa di makita yung room ko e." sabi mo habang nakatitig parin sa mata ng lalaki.

"Ganun ba? Tara saan ba room mo?" sabi ng lalaki. SInabi mo naman, ngumiti ang lalaki at hinila ka patayo.

"Tara, dadaan din ako dun e." sabi nito at sabay na kayong naglakad. Pagdating mo sa room na papasukan mo ay agad kang nagpasalamat.

"SALAMAT Uhhh..."

"Kai. My name is Kai." sabi nito sabay wink.

"Sei. My name is Sei. Salamat uli KAI!" you said cheerfully at nagbow ka pa. Matapos mo magbow tatalikod ka na sana kaso bigla kang hinila ni Kai papaharap sa kanya kaya napasandal ka sa dibdib nya. Kikiligin ka na sana kaso nga lang....

"MISS,SA SUSUNOD,WAG KANG UUPO SA LAPAG NG NAKAPALDA HA? NAKIKITAAN KA KASE ORAS NA NAKABUKAKA KA E." sabi nito at he released you from the hug at umalis na. Naiwan ka dun na nakatunganga at pulang-pula na parang kamatis dahil sa sobrang hiya.

~

So how was it? HAHAHA.

REUPLOAD ULI! Nakahaiwalay pala'y Chap 101 sa Pinakastory ko e >O< Sorry Unnie! HAHAHA

Sino ba yung mga nilapitan mo? Kilala mo ba? Till next UD XD

~ Fortis_Mikael♥ XOXO

I met a Guy named &quot;Chen&quot; (EXO FANFIC) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon