Crzy102

1.8K 57 25
                                    

Pumasok ka na sa loob ng room mo kahit na alam mong namumula ka pa. Lahat ng mata ay nakatingin sayo na parang isa kang specimen na nararapat suriin at pagexperimentuhan. Nakatingin din sayo ang teacher na nasa harap mo lang. Mukha syang terror.

"Who are you miss?" tanong nito sayo.

"Ako po si Sei. Transferee po." sagot mo naman ng nakayuko. Nahihiya ka nga kase.

"Masyado ka naman yatang maaga para sa last period hija." sabi ng teacher mo kaya bigla kang napatingin sa kanya.

"Po?" sabi mo. Nagiging slow ka na yata.

"Sabi ko masyado kang maaga sa Last period. Alam mo miss, half day lang ang pasok ngayon." sabi ng teacher mo ng mahinahon. Nanlaki bigla ang mata mo at nahihiyang napakamot sa batok mo.

"Ehh... So---sorry po. Naligaw po kase ko e." hinging paumanhin mo sabay yuko ng paulit-ulit.

"Haha. You don't have to do that. Di naman kita masisisi. Ganyan din ako ng first day ako magturo dito. Naligaw din." sabi naman ng teacher at tumawa ito.

'Napagtripan din kaya siya kagaya ng nangyari sakin?' tanong mo sa sarili mo. Bigla mo na naman naalala ang nangyare. 'Aish! Ang tanga-tanga ko naman kase!' sabi mo na halos gusto mo na bugbugin ang sarili mo kaso di mo magawa-madami kayang nakatingin. Mapagkamalan ka pang baliw. Mahirap na.

"Osya. Miss, introduce yourself in the class." sabi mg teacher mo kaya gracefully pumunta ka se harap at nagpakilala.

"Annyeong~! Ako si Sei *insert your name,age,tirahan here.*" may sasabihin ka pa sana noong may biglang naginterrupt at pumasok nalang bigla-bigla sa room nyo. Napatingin kayong lahat sa kanya.

"Are you trying to avoid my class,Mr. Kim?" sabi ng teacher nyo na nakatingin na din sa bagong dating. Nakasideview sya kaya di mo masydo makita yung mata-at isa pa. Masyadong malayo ang back door sa kinalalagyan mo ngayon at may pagkamalabo na din ang iyong mga mata kaya medyo blurred ang taong kausap ng teacher mo sa likod.

"Oh ma'am, hinahanap nyo ko? Ayiee. Crush ako ni ma'am oh." sagot naman ng kausap ng teacher mo. Nagtawanan naman ang mga kaklase mo at napatingin ka sa teacher mong nanggagalaiti na sa galit. "Oh ma'am! Wag ka magtransform! Nagjojoke lang ako nuh.Hahaha. Hindi ako tumatakas sa klase nyo ma'am,sinamahan ko lang si Lay kanina." dugtong pa ng kausap ng teacher mo.

"You may take your seat Mr. Kim" sabi ng teacher mo na iiling-iling at tumingin na sayo.

"As well as you Ms. *insert your surname here* You would sit beside Mr. Kim" sabi nito sabay turo sa bakanteng upuan sa likod nakatabi ng kay Mr. Kim daw. Nagpasalamat ka sa kanya at pumunta ka na sa likod. Habang papalapit ka ng papalapit lalong lumilinaw yung mukha ng lalaki. Only to find out, kamukha sya ng lalaking nakausap mo kanina.

"Hello." bati nya sayo ng nakangiti. May kamukha yung ngiti nya e.

"Hi." sagot mo naman at naupo ka na sabay tingin sa harapan.

"Hello." sabi uli ng katabi mo.

"Hi." sagot mo uli ng hinde tumitingin

"Hello." sabi na naman nya.

"Hi." sagot mo uli sabay tingin sa katabi mo. Nakangiti parin naman ito at kamukha nya talaga yung nakausap mo kanina. Binalik mo uli yung tingin mo sa harapan at may narealize kang isang bagay.

'Siya yung siraulong nangtrip sakin!' sabi mo at tumingin ka uli sa kanya sabay tayo.

"IKAW YUNG LALAKI SA MAY PUNO KANINA!" sabi mo sabay turo sa kanya. Nanlaki naman ang mata nya at lumingon sa likod nya. Nung wala syang makita tinuro nya ang sarili nya.

"Ako?" tanong nya na parang may malaking question mark sa ibabaw ng ulo nya.

"OO! IKAW!" sagot mo naman na naiinis dahil sa nangyare kanina na naging dahilan ng pagkalate mo.

"E?" sabi nya.

"Asdfghjkl room." sabi mo at parang nagliwanang bigla ang bumbilya na nasa itaas ng ulo nya.

"Oh! Ikaw pala yan! HAHAHA. Nakita mo na ba'y hinahanap mo?" tanong ng lalaki na may malaking ngiti.

"Anong nakita?! Niligaw mo pa nga ako e! Anong lumiko-liko?! E wala namang lilikuan sa hallway na tinuro mo e!" galit mong saad na kulang nalang e sumabog ka dun na parang bulkan.

"Ganun ba? E wala din naman kaseng room dito na ASDFGHJKL ROOM e. XOXO Building kase to miss. Hindi ASDFGHJKL." sagot naman ng kausap mo. Mas lalo kang naguluhan.

"E bakit yung isa kong pinagtanungan? Alam nya ang ASDFGHJKL?" sabi mo naman.

"Sino ba pinagtanungan mo?" sabi naman nito.

"Kai." sagot mo naman.

"E syempre. Nickname yun ng building na to e." sabi naman nya.

"Ha?" sabi mo. Guling-gulo ka na talaga. Kulang nalang ihampas mo na ang sarili mo sa pader.

Nagbigay ng mahabang paliwanag si Mr. Kim at halos mapunta na ang Baguio sa Bulacan at ang Korea sa may Malaysia dahil sa napakagulong eksplenasyon ng kausap mo.

".... At yun ang naging history." sabi nito ng nakangiti.

"E alam mo naman palang ASDFGHJKL ROOM to bat mo pa ko tinuro sa may hallway?!" tanong mo parin.

"Aba, tanung mo sa tatay mo. Baka masagot ka nya." sagot naman nito.

"Ano ba---"

"Joke lang! E andami kayang ASDGHJKL building dito nuh. Saan naman kita ituturo pag nagkataon?" sagot na naman nya. Double Facepalm sa sobrang gulo ng kausap mo. Tumango ka nalang na parang naiintindihan mo ang sinasabi nya.

"Btw, Ako si Kim Jongdae, call me Chen." pagpapakilala ng katabi mo. He offered your hand to you at kinuha mo naman ito.

"Ako si Sei. Sei *surname mo here*"

And that day, nakilala mo ang taong magpapagulo sa napakagulo mo nang mundo. Sya si Kim "Chen" Jongdae, the best TROLL Buddy EVER!

Till next update Ü

~Fortis_Mikael XOXO

I met a Guy named "Chen" (EXO FANFIC) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon