"Exotic food"

"Grabe siya. Makakain mo naman 'yan. Masarap kaya akong magluto"

"Grabe siya ka dyan, bakla ka rin 'no? May option pa ba ako? Teka, ako lang kakain nyan?"

Kung ako lang ang papakainin nya n'on baka hindi nalang muna ako magtanghalian. Iiwas muna ako sa mga lason na posibleng inilagay niya do'n sa pagkain.

"Yung mukha mo naman parang sinasabi mo na lalasunin kita, edi napatay naman ako ng kuya mo. Tayong dalawa ang kakain. Kauuwi ko lang din"

"E si kuya nasaan?"

Magkaklase silang dalawa kaya dapat nandito na rin siya. Malayong maghiwalay ang dalawang 'to e. Palaging magkasama sa kahit saan.

Wala rin naman akong kaalam alam sa schedule ni kuya, mas alam ko pa nga ang schedule ni Harvey.

"May pununtahan. Kain na tayo?"

"Saglit. Maghihilamos lang ako"

"Yuck! Kaya pala kanina pa ako nakakaamoy ng masamang hangin, hindi ka pa nag totooth brush"

Kulang nalang humagalpak siya sa pagtawa at mahiga sa sahig na nakahawak sa tiyan niya. Nakakainis ha! Tinitingnan ko lang siya ng masama, hindi ko talaga inaalis ang tingin ko sakanya. Habang natawa siya minumura ko na siya sa utak ko.

Anak siya ng patola. Ang sarap niyang gawin gulay na may sabaw. Ipapakain ko siya kay Diwata.

"Kapal ng mukha nito, lumayas ka na nga sa pamamahay namin"

"Edi nawalan ka ng chef? Huwag na, mag tooth brush ka na Barney"

Napatingin naman ako sa pangtulog na suot ko. Nakatingin kasi siya sa damit na suot ko, ay baklang palaka! Bakit naman si Barney pa ang design ng pantulog ko ngayon? Nawala na sa isip ko ang tamang pagsusuot ng pantulog. Kulay violet kasi, gustong gusto ko pa naman lahat ng violet.

"Walangya ka! Umalis ka nga dyan sa dadaanan ko" ang sama ng tanghali ko. Nakakainis!

Ano namang masama kay Barney? Ang cute naman nya, buti pa nga siya I love you, You love me rin. Lahat nalang mahal si Barney.

Bago ako makalayo sa kusina rinig na rinig ko pa ang pagkanta ni Jewel, I love you, you love me. We're a happy family with a great big hug and a kiss from me to you. Won't you say you love me too?

--

Hanggang sa pagkain namin hindi pa rin ako tinigilan ni Jewel sa pang-aasar kahit na nagpalita pa ako ng damit. Hinahanap pa rin si Barney sa'kin.

"Ang laki-laki mo na gusto mo pa rin si Barney?"

"Pakialam mo ba, bakit nga si Kuya nanunuod pa rin ng Mr. Bean at Spongebob. Oh, 'wag kang tatanggi pati ikaw nanunuod no'n"

Para siyang 17 years old lang din kung makipagtalo sa'kin. Minsan nga iniisip ko nalang na mentally delayed ang lalaking 'to. 19 years old na pero isip bata pa rin.

Ang laking tao kung kumilos naman akala mo hindi teenager. Ang kulit!

"At least pinapalabas pa rin sila sa TV, si Barney ba? Kapanahunan pa yata 'yan ni daddy pinalabas si Barney"

"Ewan ko sa'yo. Ubusin mo 'yang masterpiece mo, lasang Caldereta naman 'yung adobo mo"

Bigla nalang naging seryoso ang tingin niya sa'kin. Mukha na siyang 19 years old ngayon.

"Bakit ka ganyan makatingin?"

"Pareho kayo nang sinabi ni daddy sa'kin, lasang caldereta nga?"

Piste! Akala ko naman kung bakit gano'n na siyang makatingin.

Mr. Know it All [EDITING]Where stories live. Discover now