"SIR CLYDE, hindi po ako katulad ng ibang babae na sasagutin ang isang lalaki na kakakilala pa lang niya at maging girlfriend nito ng ganun-ganon lang. Kaya sir kung laro lang po ito sa inyo pwede bang tigilan niyo na lang." Dineretsa ko na siya para malaman niya na hindi niya ako madadala sa kung ano mang laro ang gusto niya.

"So iniisip mong laro lang to!? Sa palagay mo ba sanay ako sa ganitong sitwasyon. Yung taong gusto mo na sobrang lapit lang pero hindi mo man lang maangkin. Hindi ako sanay ng ganito, Sandra. Ikaw pa lang ang babaeng kaya kong hintayin kahit gaano katagal basta alam kong akin lang siya sa huli. At matagal na rin kitang kilala." Natahimik ako sa sinabi niya. Hindi ko rin narinig ang huling sinabi niya dahil ang tumatak sa utak ko na kaya niya akong hintayin. Magtatagal kaya siya?

"Can I court you?" He said while staring at me.

Kaya ko bang sumugal? O palagpasin ang isang taong unang nagpakita sa akin ng interes? Sasagot sana ako ng marinig ulit namin ang katok ni Sarah.

"S-Sir Clyde.... Nandyan po ba kayo?" Iniwas ko muna ang tingin ko kay Clyde dahil hindi ko rin alam ang dapat kong isagot sa kanya.

"Sarah, put it in the kitchen and you may go." Narinig kong nagsimula ng maglakad si Sarah mula sa likod ng pinto. Ilang sandali lang ay kumatok ulit si Sarah.

"Sir nalagay ko na po. Aalis na po ako."

"Thank you, Sarah."

Tumayo si Clyde at tumingin sa akin. "Kumain na tayo."

Sumunod na rin ako kasi hawak pa rin niya ang kamay ko. Nang makapunta kami sa kusina ay nakalagay na sa mga pinggan ang mga pagkain na dala ni Sarah. Isinalin na siguro niya. Kumuha na kami ng pinggan at umupo na.

Tiningnan ko ang mga pagkain. Natakam ako dahil seafoods lahat ang mga binili ni Sarah. Bibitaw na ako sa pagkakahawak kay Clyde ng higpitan nito ang pagkakahawak sa kamay ko.

"What are you doing?"

"Bibitaw na. Kakain na tayo." Nagtry ulit akong alisin ang kamay ko sa kamay niya kaso ayaw niyang bumitaw. Lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa akin.

"We will stay like this while eating that's our deal remember?"

"But-"Paano ako kakain nito. Kaliwang kamay lang ang pwede kong magamit kaso hindi naman ako kaluwete. Siya makakain ng maayos. Alam naman niyang gutom na ako, pinaparusahan ba niya ako sa mga nasabi ko sa kaniya kanina?.Unfair naman siya.Favorite ko pa naman yung mga pagkain.

Wala na akong magagawa kaya nagsimula na rin ako kumain. Sa bawat kuha ko ng ulam may mga natatapon na sauce sa mesa. Kapag sumusubo naman ako ng kanin sobrang kakaunti lang. Hindi ako mabubusog nito.

Ang dami pa ang hindi ko natitikman, gusto ko pa naman matikman lahat. Tiningnan ko si Clyde. Ganado siyang kumain.Tiningnan ko naman ang pinggan niya at malapit ng maubos. Samantala yung sa akin hindi pa nangangalahati.

"Clyde,sige na... Bitawan mo muna yung kamay ko. Para makakain ako ng maayos. Please..." Tumingin siya sa akin. Please pumayag ka na! Alang-alang sa seafoods na nasa mesa. Pumayag ka na!

"No..."Bumalik na ulit siya sa pagkain. Ano ba ang dapat kong gawin para payagan niya ako? Ilang minuto na lang at matatapos na ang lunch break. Panigurado susunod si Clyde sa oras. He is strict and I'm sure that he also follows his rules when it comes of break hours. Baka hilahin na lang ako nito kahit hindi pa ako tapos kumain.

"Ano ba ang dapat kong gawin para payagan mo ko?" Tumigil siya sa aktong susubo at ibinaba ang kutsara niya.

"Kahit anong gawin mo,Sandra. Hindi pa rin magbabago ang desisyon ko. Pero kung gusto mo talagang makakain ng maayos...may alam akong pwedeng gawin natin." He smirked and I had the feeling that I would not be happy for his proposal.

"Ano iyon?"

"Susubuan kita. Ano papayag ka?" Sabi na nga ba wala talagang masasabi si Clyde na hindi papabor sa kanya.

"Bilisan mong mag-isip at malapit ng matapos ang lunch break. Alam mo naman na kahit ako ang CEO ng company na ito ay sumusunod ako sa mga rules na binibigay ko sa mga employees ko. Ang sarap pa naman ng mga pagkain, SEAFOODS. Sino kaya ang may favorite nito?" Kunyari pa ito. Alam ko naman na alam niyang favorite ko iyong mga pinaorder niya. Nagmamaangan pa. Panigurado binasa niya ang profile ko kaya may alam siya tungkol sa akin. Number ko nga nakuha niya, ito pa kaya ang hindi niya malalaman?

"Fine.." Inabot ko sa kanya ang kutsara ko at tinanggap naman niya. Na-eexcite tuloy akong matikman yung nilalagay niya sa kutsara.

"Open your mouth, Sandra" Sinunod ko siya at ng matikman ko ito ay lalo akong nagutom.

"Isa pa?"Tumango ako. Kahit nginunguya ko pa ang kakasubo niya lang. Naglagay ulit si Clyde at isinubo na naman sa akin. Napangiti ako. Ang sarap talaga. Saan kaya ito binili ni Sarah? Matanong nga siya mamaya.

"Hindi ko pa natitikman ito kaya itry ko rin." Ang sabi niya. Akala ko papalitan niya ang kutsara ko sa kutsara niya kaso hindi man siya nagpalit. Nakita kong napatango ito habang ngumunguya.

"Masarap nga pero lalo itong sumarap dahil galing ito sa bibig mo." Natigilan ako sa sinabi niya. I can't believe he said that. I read a lot of romance books so I am familiar with the styles of male protagonist who interacting with his lover but I am not prepared that Clyde would do this with me. We had done an indirect kiss again but this time he vulgarly said it infront of me!

"Hey! What are you thinking of? You just spaced out?" he said.

"N-Nothing..." Sinubuan niya ako ulit. Kahit naiilang na ako ay hindi ko na lang siya pinigilan sa ginawa niya.Parang normal lang sa kanya yung sinabi niya. Hindi man lang siya natigilan ng sabihin niya. Kahit kailan talaga ay hindi ako masanay sa mga sinasabi niya.

"Sandra,masarap rin ito. Tikman mo, sigurado magugustuhan mo."

"S-Sige..." Nawala na ang focus ko sa mga pagkain at nawalan na ako ng gana. Nakakain na naman ako kaya hindi na ako masyadong gutom. Sinabi ko sa kaya na busog na ako. Naramdaman siguro ni Clyde na may mali kaya tumingin siya sa akin.

"May problema ba,Sandra?"

"W-Wala naman. Nabusog na talaga ako. Hindi naman kasi ako malakas kumain kaya ipagpatuloy mo na lang ang pagkain mo. Huwag mo akong intindihin." Ngumiti ako para hindi na siya mag-usisa.

Natapos na rin siya kaya pinagtulungan na naming ligpitin ang mga pinagkainan namin. Babalik na kami sa office ng tumigil si Clyde sa paglalakad kaya napatingin ako sa kanya.

"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko.Will you let me court you, Cassandra?"

My So Strict Boss (Bachelor Series)Where stories live. Discover now