*FEATURING 2YEON IN AN ALTERNATE UNIVERSE*
I've seen her around the office a couple of times. Grabe,sobrang ganda nya at napakasimple.
Mejo boyish sya at nile-label sya ng ibang girls samin as pogi. Pero hindi eh.
Para sakin, mukha talaga syang prinsesa. Crush na crush ko talaga sya.One time nag-gather kami sa lobby kasama yung iba kong workmates, habang nagja-jamming kami, dumating sya, kilala sya nung barkada ko syet.
Wala akong nagawa kundi ngumiti lang at tumango nung inintroduce sya sakin,pero sa totoo , yung buong katawan ko mainit na malamig na ewan, at yung puso ko , kinabahan ako kasi baka sa sobrang lakas ng pintig eh marinig nya.
After nun, sa wakas, at least alam ko na name nya, Yoo JungYeon, ang cute no? At kahit papano kilala na nya ko, ang saksakan ng ganda na si Im Nayeon. Kkk~.
Isang araw nabigla nalang ako nung pagsakay ko ng bus sa Baclaran, biglang nanginig yung buong katawan ko nang may tumawag sakin.
"Hoy! San ka galing?"
Syempre bago ako mawala sa sarili at madapa, na-gather ko naman yung lakas ng loob na mapakamot sa ulo at ngumiti sa kanya.
"Ah. Hehe. Kumain lang."
Tapos ngumiti nanaman sya. Syeeet. Yung puso ko ples.
A shame na hindi ko sya katabi sa bus dahil sa dulo nako umupo pero pagdating naman namin sa office sabay kaming naglakad at nakapagusap kami ng matino. Basic lang. Konting kwento. Pero wag kayo, ang kwela nya at ang sarap kausap. Walang arte,walang keme.At sobrang solve ng araw na yun, yung scores ko sa work 100 lahat. Inspired daw ata ako haha.Ayun.
Dumalas yung pagkikita namin sa office. Pagtagal naging close naman kami. Nalaman ko na may iba syang crush sa office, si Moguri na taga kabilang department, ako naman suporta lang at niloloko ko pa sya sa kanya. Masakit oo,pero okay lang. Crush lang naman eh. Friends nalang kung friends.Ang masama lang, sa pagtagal , lalong nahuhulog yung loob ko sa kanya. Hindi ko na kaya friend.
So ginawa ko , nagiwan ako ng love letter sa locker nya. Sinabi ko dun kung gano ako kabaliw sa kanya at hindi ako umaasa na maging kami. Ang akin lang, at least masabi ko sa kanya . Hindi ko muna nilagay yung pangalan ko at nagdecide akong harapin sya the next day para aminin na ako yun. Before that day, nung gabi, nagtatanong sya sakin kung sino kaya yun.
Syempre tameme. Haha. Di ako makasagot. Sabi ko 'aba malay ko sayo'. Pero nung time na yun, yung tingin nya na yun sa mata ko habang tinatanong yun, parang iba. Parang may kinukumpirma sya. Syempre kinabahan ako. Tapos ipapahamak pa yata ako ng puso ko kasi ang lakas nanaman ng pintig dahil sa kanya. Jusko sana di nya marinig.
Nakasurvive naman ako that night,ewan ko , di na sya nagtanong after.So this is the day. I'm gonna confess that I'm her stalker-este-admirer. Naggawa ako ng isang anonymous account sa Facebook at minessage ko sya na ako yung nagbigay nung letter at tinanong ko kung gusto nya ko makilala.
Sabi nya naman 'oo'. So I told her to meet me .'Okay'.Ayan na. Parating na sya.Potek eto nanaman yung puso ko,wala pa nga yung tao nagwawala nanaman.Siguro dahil crush kong sya....okay sige crush na crush....okay ..OO NA!MAHAL KO NA SYA!
Nung nakita ko sya ,at yung maganda nya ngiti,tumigil nanaman yung buong paligid. Wala akong ibang nakikita kundi sya.Bumalik lang yung utak ko sa earth nung sinabi nyang:"Ikaw pala yun! Sabi ko na eh~!"Ngumiti lang ako at tahimik kaming naglakad pabalik ng office...
I was just enjoying her presence...and the fact that she already knows how I feel ... Mejo nabunutan ako ng tinik sa lalamunan...
Unexpectedly, she broke the silence and said: "Ano na pagkatapos nito?"
I do not know either... So I just smiled at her...at her oh so beautiful face...the whole her that is beautiful in and out...My princess...
"Hindi ko din alam. Hindi kita hinihingian ng kahit ano. Basta ang akin...yung feelings ko...yung laman ng puso ko...Alam mo na."
----END----
A/N: Korni ba? Lakampake. XD -Barney
~doraxbarney~
'daiki-chi'
YOU ARE READING
Twice One Shots (Twice Random Scenarios)
FanfictionTwice being gay. Gayness is overflowing.
