Chapter 01

854 14 17
                                    

Chapter 01

After all this time Severus?

 

 

 

ALWAYS.

 

Andito ko sa SM Valenzuela.

Kakatapos ko lang manood ng Harry Potter and the Deathly Hallows Part 2.

3 hours pa ang byahe ko pauwi kaya naman nagsimula na kong lumabas ng mall.

Papunta na ko sa parking lot ..

“Kung mamalasin ka nga naman ngayong araw na ‘to o.”

“Alonah?”

“Nakakainis naman. Ang layo-layo nito sa Manila pero nasundan mo pa rin ako dito.”

“Hoy babae. Hindi kita sinusundan. Ang gwapo ko namang stalker. Pwede ba wag mo kong kausapin. Umalis ka sa harap ko.”

“Bastos ka talaga makipag-usap kahit kailan. Kahit di mo ko sabihang umalis. Aalis talaga ko.”

“Psh.”

At naglakad na ko palayo.

Hayy. Ang ganda talaga niya. ><

Nakasakay na ko sa kotse.

At nagsimulang umuwi.

Ako nga pala si Liam Mendrez.

Tama si Alonah, taga-Manila kami.

Pero dito ako sa SM Valenzuela pumupunta kapag kailangan kong magtago.

May reputasyon kasi ako sa pagiging bad boy.

Ano na lang sasabihin ng mga natatakot sa’kin kung nalaman nila na Potterhead ako?

Wag na lang no!

Oo nga pala.

Yung babae na nakita ko kanina.

Yun si Alonah Quintin.

Ang babaeng nagmamay-ari ng puso ko at buong pagkatao.

Bestfriend ko yun dati.

Pero best enemy na niya ngayon.

Isa siya sa mga naniniwala sa mga sinasabi ng ibang tao sa’kin e.

Sabagay, madami na rin akong ginagawang kasalanan.

Mga kasalanan na ang dahilan ay siya rin naman.

*flashback*

Hay. Buti na lang dumating siya.

Gusto ko talaga siyang makita ngayon e.

Yung batang maganda.

Lalo na kapag nakangiti siya.

Inaantay ko siya palagi dito sa park simula noong nakita ko siyang naglalaro dito.

Kaso may problema ata siya ngayon.

Umiiyak siya. >___________<

Kailangan ko na atang lumapit at magpakilala.

Ayokong nagkakaganun siya.

The Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon