The Bad Boy

2K 20 11
                                    

Prologue

Dalawang linggo na ko sa likod ng mga rehas na ‘to.

Wala akong naging kasalanan kundi ang mahalin siya.

Alonah.

Alonah.

Kailan kaya kita ulit makikita?

Kakayanin ko lahat ng sakit sa mundo.

Lahat ng pasang natamo ko sa pananatili ko dito sa loob, wala ‘to.

Hindi masakit ang katawan ko ngayon.

Puso pa pwede.

Hindi ko kayang mahiwalay sa kanya.

Sa kanya na umiikot ang mundo ko.

Mali.

Siya ang mundo ko.

Alonah.

“Boy, yung babae mo o, nasa TV”

Nagulat naman ako.

Lumapit ang isa sa mga kasama ko dito sa’kin.

Agad-agad akong tumingin dun sa tinuro niya.

Tumulo na lang ang luha ko.

Gusto ko siyang makita at sabihing: “Alonah, gising na! May chocolate mousse akong dala para sa’yo. Sige ka. Uubusin ko ‘to pag di ka gumising.”

Gumising ka na Alonah.

Hindi dahil sa ikaw ang magiging dahilan ng paglabas ko dito.

Kundi dahil gusto kong makita ulit na ngumiti ka.

Gusto ko ulit marinig ang mga halakhak mo.

Gusto kong mabuhay ka.

Mulan’s Note: Ayos ba? Naisip ko lang ‘to isang araw na sobrang inspired ako. Ahihihi. Mga 5 chapters lang ‘to, excluding Prologue and Ending. Short story lang siya. And yeah, cliché. Pero with a twist.

Pasupport rin ha? ^_______________^

The Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon