Chapter 42 (August 29, 2011)

Start from the beginning
                                    

***

"Anong nangyari?" nagtatakang tanong ni Philip dahil hindi niya alam kung bakit natigil bigla ang pakikipagusap nito sa cellphone.

"I don't know... Dumating si Kent. Bukas na lang daw makikipagkita si Phoebe." Sabi ni Harley

"Tsk." Sabi lang ni Philip. Mukhang nabadtrip na ito.

Nagtaka si Harley.

"Bakit?" tanong niya kay Philip.

"I don't like that Kent guy. Kaya nga hindi ko siya kinausap nung nakita ko sila ni Phoebe na papasok ng school eh."

Kumunot ang noo ni Harley.

"Why?"

"Ewan ko... I thought nagde-date talaga sila ni Elisa... tapos biglang girlfriend niya na yung si Phoebe?"

"Listen... Akala ko ba kilala mo na ang tunay na ugali ni Elisa? Maybe you don't know what you are saying?"

"Siguro... basta... hindi ko alam."

"I admit I don't like him either. Pero... I know he loves Isa- Phoebe..." Sabi na lang ni Harley. Ayaw niya rin namang sabihin dito ang sikreto nila Phoebe at Kent.

"So ano nga ulit yung balak natin?"

"You'll tail Elisa just like what you did to me and Phoebe. You'll talk to Phoebe later kung papayag siyang makipagconfront kay Elisa, and we'll record it."

"I'll talk? Ako lang ang makikipagusap?"

"Di kasi ako pwede mamaya eh. Meron akong shooting. I'll reserve a suite for the two of you.

"Suite? Safe naman ba sa hotel mo?"

"I bet it is. Basta I'll text you the suite number."

"Okay... Pero... Kung pumayag si Phoebe na makipagconfront kay Elisa? How are we going to record it? Video?"

"Yes Video. You'll be her worst paparazzi."

Ngumiti si Philip.

***

Kinagabihan, parang kusang na-solve ang problema niya kanina pa kung paano tatakas at makikipagkita kay Harley at Philip. Umalis kasi si Kent at ngapaalam na may meeting daw ito with the company.

"Manang alis lang po ako. Dyan dyan lang."

"Oi magsusurprise siya?" sagot ni manang na parang nagaasar pa.

Anong surprise pinagsasasabi ni manang Lourdes?

Naguguluhan siyang umalis. Lumabas na siya ng village ng makita na nandoon na si Jhone.

"Ambilis mo ha!" sabi niya dito. Nagtext kasi siya agad kay Jhone pagkalabas pa lang ni Kent. Nakiusap siyang samahan siya ulit nit okay Philip. Alam niya kasing wala si Harley kay kahit papaano, natatakot siyang pumunta sa hotel ng ito lang ang kasama.

"Naman!!! Sakay na bilisan mo!!" parang excited pa ito

Mabilis naman nilang narrating ang hotel.

"Ang gara ng hotel ni fafa Harley ah!!!" sabi ni Jhone ng makapasok sila.

"Shh! Ang ingay mo sabihin nila taga bundok ka!"

"Hahaha. Ayyy ganito pala ang Maynila!!" nilakasan pa ni Jhone ang pagsasalita. Nagpanggap talaga itong probinsyana.

Nagtinginan yung mga ibang nasa lobby.

"Gagi! Hahaha. Di kaya bagay. Ang ganda ng damit mo tapos ganyan ka magsalita!!"

Secretly Married (Completed, 2011)Where stories live. Discover now