2.2 Weirdo rin pala si Kiro.

467 13 9
                                    

Sana walang makakita sa akin na kasama si Kiro papunta sa apartment niya. 

Dahil nga sa napapadalas kong pagsama kay Kiro ay naging immune na ako sa music genre niya... nagulat nga siya ng biglang sinabayan kong kumanta (kanta ba ang tawag dun) yung songs ng metallica. Nagbiro pa na pwede na daw akong rock star, nerd rockstar daw for a change tapos yung songs ko about sa academic subjects. gosh. 

Kwento siya ng kwento ng kung anu-ano pero wala naman talaga akong naiintindihan. Siguro, kasi wala naman talaga dun ang attention ko. Paulit-ulit pa din ang pag-play ng flashback scenes sa utak ko. Ayoko na. Bakit ba di matanggal sa isip ko siya at ang bagong babae sa buhay niya? I hate this feeling. Crap!

Inayos ni Kiro yung food namin... favorite food ko pa naman ang naka-serve... 

FRIED CHICKEN NG JOLLIBEE... 

"Kain na." hehe.. yung pagkakasabi niya pa naman hindi offering kundi parang command. 

"Di na ako tatanggi." Sabay kain. Kung yung iba nagmumukmok tuwing depress ako naman kain ng kain. 

Siguro mga 10 minutes na akong kumakain nang napansin kong di kumakain si Kiro. I looked at him tapos sa lamesa at saka ko namalayan, isa lang pala ang baso, isang plato at isang pares lang ng spoon and fork ang meron sa loob ng apartment niya. Nahiya tuloy ako bigla. 

Tumayo ako tapos hinugasan ko yung tinidor at inabot sa kanya.

"Kain na tayo." and he smiled.

Mental note: Sa susunod na pupunta ako sa mall bibili na ako ng baso, spoon and fork and plates para kahit man lang sa gamit hindi na siya nag-iisa.

Tahimik lang kaming kumain. Ewan ko ba, sa palagay ko tuwing kasama ko si Kiro parang nag-iiba ako kasi he makes me feel I'm a lady not a kid. 

Naka-upo siya dun sa couch, dun naman ako sa other end ng couch. 

"Umiiyak ka ba?" 

"Sort of."

Sensya, ayoko lang talaga umamin na umiiyak ako by saying "Oo" cause that means I'm too weak. Ayoko rin magsabi ng "Hindi" cause that will be a lie. Kaya "sort of" na lang.

"Celebrity answer." Medyo natawa ako sa sinabi niya. 

Tapos biglang tumahimik na naman.

"Kiro, may first love ka ba?"

Malamang , Oo. Kaya ako na rin ang sumagot sa tanong ko.

"For sure, oo, dami kayang girls sa school ang may gusto sa'yo so imposibe na yun. Tapos, obvious naman sa itsura mo ang pagiging playboy." Di siya umimik. Siguro nga tama ako, 

"Kiro, ano bang ideal girl mo?" Tinignan niya ako na para bang, pakialam mo. 

How to become a PERFECT GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon