3. KIRO and BEA SCANDAL (Ang rebelasyon)

623 11 19
                                    

Ito na ang skandalo ng taon. 

Ang wiwindang sa ever tahimik kong buhay. 

Ito na siguro ang pinakamalupit na nangyari sa buhay ko. 

Akalain mo yun, ang beauty ko na ito, sisikat.... 

Kawindang. 

Pa'no ba nagsimula ang lahat.

Matapos yung incident na nangyari sa hallway, hindi kami nagpansinan na ni Kiro. Ewan ko ba sa tuwing ipipikit ko yung mata niya yung mukha ni Kiro ang naiisip ko. Ang creeepy na nga ng thought, pa'no ba naman kasi hindi matanggal sa isipan ko yung mukha ni Kiro na one inch lang ang pagitan namin. Medyo blurred pero nakikita ko pa naman siya at talagang ang ever Maria Clara image ko ay nabahiran na ng issue. 

Everytime na naglalakad ako sa hallway ay pinag-uusapan nila ako. Naging instant celebrity tuloy agad ako. Sa totoo lang, for my entire life ngayon ko lang naramdaman na parte pala ako ng school population. Di ba nga from the start of story ay wala naman talagang pumapansin sa akin at nung dumating si Kiro saka lang ako nagkaroon ng taong tinatawag ako dahil hindi mangongopya ng assignment, kasabay mag-lunch, kapikonan at minsan kausap kung nasa matinong pag-iisip siya. Ito na ata ang peak ng carreer ko dito sa school kaya lang in a wrong way. Bakit ba hindi ako naging sikat? In a wrong way, hindi naman talaga ako naghahangad na maging sikat. I've never imagined to become one. Sanay na ako na ganito lang ako. Isang simpleng Bea. Pero ang nakapagtataka ay bakit ba ngayon pa ako naging sikat, eh, pawang kathang isip lang naman nila iyon. Walang issue. Nung nanalo nga ako sa Mathematics National Quiz Bee wala man lang nagsabi ng congrats. Mas lalo naman nun nanalo ako sa National Science Quiz Bee nung pinaakyat ako para bigyan ng award sa stage wala man lang pumalakpak. Ang saklap, noh. Pero ngayon iba na ang sitwasyon. Sikat na ako.

Grabe itong popularity ko, sobrang issue sa school, aksidente lang naman ang nangyari. 

It was just an accident.

but nobody listened.

They all want to believe in the rumors.

Rumor #1 : I seduced Kiro. Sinasadya ko daw ang nangyari and its part of my plan ang pangyayari na yun. Hindi ko daw napigilan ang pagnanasa ko sa kanya. Eeeeww... (narinig ko ito habang nasa loob ako ng cubicle sa C.R. at bongga naman ang chikahan nila sa labas) 

Rumor #2: Isa raw akong kissing maniac.YUCK! YUCK! YUCK! (sa cafeteria naman ito habag pumipila ako ng lunch)

Rumor #3: May secret relationship daw kami ni Kiro tapos di daw naman napigilan. As if naman, mangyayari yun at dahil nga alam ng mga chismosa na imposible yun ay ginawan pa nila ng mas magandang version. Ginayuma ko daw si Kiro kaya nga daw nagkakaganoon yun sa akin. (during P.E. habang wala pa ang teacher ito ang trending issue sa room)

3 days na kaming di nagpapansinan ni Kiro. 

How to become a PERFECT GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon