Prologue

175 5 5
                                    

Walang Forever!

Sabi ko sa isip ko habang nag lalakad sa likod ng isang lalaki at babaeng mag ka hawak pa ang mga kamay.

Hindi ako bitter. Kung yoon ang iniisip niyo ay nag kamali kayo.

Honest lang ako.

There's no such thing as forever.

Yung teleseryeng inaabangan niyo gabi gabi, dadating ang araw na matatapos yan.

Yung paborito mong libro, dadating at dadating ka sa huling pahina niyan.

Yung pag kain na kinakain mo, mauubos din yan.

Walang forever. Wala namang bagay na hindi natatapos.

Hindi naman talaga ako bitter. Kahit madalas sinasabihan ako ng mga kaibigan ko na ako ay bitter na tao.

I don't force anyone to believe that there's no forever.

Kanya kanya lang naman ng paniniwala yan.

Pero kahit anong mangyari walang mag papabago sa pinapaniwalaan ko.

Hanggang sa nakilala ko siya.

Dahil sakanya umasa ako...

Na baka sakali tutuong may forever.

Na sana...

Tutuong mayroon ngang Forever.

ForeverWhere stories live. Discover now