"Hurricane!" At nilapitan nito ang dalaga with wide arms open para sana yakapin ito. "F*ck man, kadiri ka!" Reklamo nito ng si Lander ang mayakap niya dahil hinarangan nito ang dalaga.

"Don't touch her Lex, I'm telling you I'm gonna kill you once you touch her." Banta ni Lander sa stepbrother nitong si Lexus. "Paano mo nakilala ang sweetheart ko?"

Hinila naman ni Hush si Lander para mawala ito sa harap nilang dalawa ni Lexus, at ng mawala ito sa kanyang harap ay niyakap niya agad ang binata.

"Teka Kuya, nasaan ba tayo?"

"Our humble home." At dinipa nito ang mga braso. "Welcome!" At niyakap ni Lexus si Hush. "Wait, what are you doing here with him?"

Biglang gumitna sa kanilang dalawa si Lander, at inilayo nito si Hush sa kapatid. "Lumayo ka nga sa kanya, Lex!" Sabi pa nito.

Kumawala si Hush sa pagkakayakap ng binata sa kanya. "Ikaw ang lumayo sa akin, talagang babalian na kita ng buto."  At sinamaan niya ito ng tingin.

"Kamusta na si Rain? Wala pa ba siyang balak umuwi?"

Patuloy ang pag-uusap ng dalawa, at naiinis si Lander dahil lalo siyang hindi pinapansin o kinakausap ng dalaga. He walk towards her at niyakap ito mula sa likod. Siniko siya ni Hush pero hindi pa rin niya ito binitawan, sa halip ay isiniksik nito ang mukha sa pagitan ng leeg at balikat ng dalaga.

"Kayo ba?" Tanong ni Lexus

"Hindi!"

"Malapit na!" Sabay silang sagot.

"Teka, bakit ba kasi magkakilala kayo?" Hindi na napigilang tanong ni Lander gabang nakayakap pa rin sa dalaga.

"Lumayo ka nga sa 'kin, para kang linta."

Pero mas hinipitan pa nito ang pagkakayakap sa kanya at mas idiniin pa nito ang mukha sa pagitan ng leeg at balikat niya. Kinilabutan si Hush dahil naramdaman nito na hinalikan ni Lander ang leeg niya.

"Tumigil ka nga Lander, 'wag mong lawayan ang leeg ko."

"Oh my gosh!" At sabay na napalingon ang tatlo sa pinanggalingan ng matinis na boses na iyon.

"Raine!" Sabay-sabay na sabi ng tatlo!

Pilit kumawala si Hush sa yakap ni Lander at ng makawala ay patakbong nilapitan si Raine at niyakap.

Masayang nagyakapan ang magkaibigan, both of them didn't expect that they will see each other today. Well, wala pang balak na magpakita si Raine sa mga kaibigan dahil kailangan muna nitong magpahinga.

"What the hell is the meaning of that? Care to explain Hush?" She asked in a scrutinizing look.

Nilingon ni Hush si Lander na nag-flying kiss lamang sa kanya at sinamaan ng tingin at ipinakita ang middle finger niya.

"He's not my boyfriend or suitor, even friends we're not. He kidnapped me."

"Dear, matanda ka na kaya oldnapped na dapat." Pang-aasar pa ni Raine.

Kiniliti ni Hush ang sarili para matawa sa corny na joke ni Raine. "Galing ka na ng ibang bansa pero hanggang ngayon flop pa rin ang mga hirit mo." Pero niyakap ulit niya ang kaibigan. "Pero miss pa rin kita. I'm very sure na matutuwa ang apat na impakta kapag nalaman nila na nandito ka na."

Muling nilapitan ni Lander si Hush, niyakap niya ito at ng nagpumiglas si Hush ay nakanguso itong umatras. "Kaya tayo nagpunta dito para makapag-bonding tayong dalawa, at hindi dito kay Raine at kay Lexus." Saka nito niyakap ang dalaga na sinikmuraan lamang siya. "Sweetheart naman, ang abs ko baka ma-damage."

All The Single LadiesWhere stories live. Discover now