☆ Chapter 20 ☆

Start from the beginning
                                    

Paano ko siya papatayin?

Hindi ko malaman ang gagawin ko dahil nagtatalo ang isip at puso ko. Ang isip ko na nagsasabing kailangan ko siyang patayin dahil babagsak ang Mafia dahil sa kanya. Pero ang puso ko ay tumututol para gawin ang utos ng Ama ko. Dahil hindi ko gustong mamatay siya.

Paano ko siya papatayin kung naging mabuti siya sa akin?

Nakaramdam ako ng kaba dahil limang minuto na lang ang natitira sa'kin para mapatay siya. Dahil mamaya ay darating na ang mga kasamahan niya.

Napapakuyom ako ng kamay at naglalatak na ang pawis ko. Naiinitan na ako sa pagtatago ko sa taas ng puno.

"Stop hiding." nanginig ang laman ko nang marinig ko ang boses niya.

Napatulala ako sa kanya habang unti-unti niyang minumulat ang mata niya. Kahit na nagtatago ako sa puno ay nagawa niya akong maramdaman.

"I know you're here, stop hiding." malamig na sabi niya na mas nagpanginig sa'kin.

Mahigpit kong hinawakan ang baril ko saka ito ibinalik lihim na taguan sa bag ko. Bumaba na agad ako ng puno para magpakita na sa kanya. Dahil oras na tumayo siya siguradong patay na ako.

"Ah-Hi?" nag-aalangang bati ko habang pinupunasan ang pawis ko.

Hindi siya nagsalita dahil muli niyang ipinikit ang dalawang mata niya. Tiningnan ko lang siya at humanap ng kapintasan sa mukha niya. Pero kahit na isa ay wala man lang akong makita.

"Stop staring." malamig na sabi niya na nagpanginig ulit sa'kin.

Kahit isang salita lang ang marinig mo sa kanya ay nagbibigay ng takot at lamig sa paligid. Ramdam mo ang malamig na presensya niya na mala snow storm.

"I'm sorry." tumingin na lang ako sa mga ulap na tumatakip sa sinag ng araw.

Malalim akong napabuntong hininga kasabay ng paghigpit ng hawak sa strap ng bag ko.

Paano ko magagawang patayin ang Gangster na ito?

Napapikit at kagat labi ako habang nahihirapan magdesisyon. Pagdilat ko ay may napansin akong nakatayo sa harapan ko. Nanigas ako nang makita ko ang dalawang pares ng mata niyang nakatingin sa'kin. Nahihirapan akong lumunok ng laway at huminga para hindi makagawa ng ingay o kilos.

"Don't move." malamig na sabi niyang napatingin sa likuran ko.

Kinabahan ako na baka alam niyang may baril sa bag ko. Nagpawis ako ng husto dahil sa naiisip ko.

"Shit!" nagulat ako nang magmura siya ng malutong at may kinuha sa balikat ko.

Tiningnan ko ang hawak niya na isang device. Napalunok ako ng laway na naipon sa bibig ko dahil sa hindi ko paglunok.

She's The Gangster I Love, paano ko siya makakayang patayin? Hindi ko inasahan na makakaharap ko siya ng ganito ka lapit. Para siyang bituin sa langit na hindi ganon kadaling maabot.

Sinira ni Euphy ang device pagkatapos ay tumingin siya sa mga mata ko. Kitang-kita ko kung paano naging kulay violet ang mata niyang kulay blue. Nagtataka ako bakit hindi na siya filipino magsalita samantalang kanina lang ay ganon siya magsalita.

May alam na kaya si Euphy? Alam niya bang papatayin ko siya ngayon kahit ayaw kong gawin iyon?

"Did you still remember what I've said before?" malamig na sabi ni Euphy sa'kin habang kulay violet ang mata niya.

"H-ha?" bigla akong kinabahan or should I say natakot sa mga tingin niya.

Parang mas naging nakakatakot si Euphy at mas malamig ang presensya niya ngayon.

She's The GANGSTER I Love [Published Book] #Wattys2016WinnerWhere stories live. Discover now