Part48: Guardian Prince

246 20 0
                                    

Lakad-takbo itong tinungo ang carpark. Nakita niya si Felix na nakasandal sa kotse. Nakita naman siya ni Felix at ramdam niyang may hindi magandang nangyari sa loob kaya sinalubong na niya si Kathleen.

"Anong nangyari?!"

Diredirecho lamang itong naglakad at pumasok sa loob ng kotse niya. Nakasunod naman si Felix. Parang hindi siya nakikita nito na basta na lang isasara ang pinto ng kotse.

"Uy teka lang! Huwag mo 'kong iwanan dito!" Mabilis na lumigid si Felix sa kabilang side ng pinto. Naka-start na ang engine bago pa siya makapasok. At bago niya pa ito maisara ay pinaandar na ito ni Kathleen.

"Ano ba?! Bagalan mo naman ang pagmamaneho mo! Pangit mamatay ng pangit!"

"Patawa ka! Huhuhuhuh!"

"Seryoso ako! Idadamay mo pa 'ko! Kathleen, huy!"

Mabilis iniliko ni Kathleen ang kotse sa isang pakurbang kalsada.

"Wuuuuuuuuuuy! Anak naman ng tilapyang harot sa kakaharurot oh!" Reklamo nito habang inaabot ang seatbelt niya at isinuot sa kanya. "Member ka ba ng the fast and the furious? Furious ka eh!"

"Yes! I am extremely angry and hurt and humilliated!!!"

"Okay! Ngayon.... Tagalugin mo!"

"What?????!" Gigil nitong sabi na grabe pa din makaapak sa accelerator ng kotse.

"Hintoooooo!!!!" Sigaw ni Felix.

Biglang nagmenor ang sasakyan. Hindi naman binago ni Kathleen ang speed niya na ipinagtaka niya. At nang mabagal na ito ay iginilid ang sasakyan at inapakan ang break.

"Huminahon ka nga Kathleen." Pakiusap ni Felix.

Biglang yumakap si Kathleen kay Felix tsaka pinagpatuloy ang pag-iyak.

"Sige iiyak mo lang 'yan kung ano man 'yan."

Yakap lang siya ni Felix. Himas ang likuran.

"Hayst! Bakit 'di pa kasi i-share ang problema kung 'di na kaya!"

Hindi niya pa rin napilit magsalita si Kathleen. Inabot na yata ng isang oras ang pag-iyak niya sa balikat ni Felix. Hanggang hikbi na lang ang naririnig nito kay Kathleen.

"Ano? Kalmado ka na ba?"

Tumango ito.

"O siya! Halika na."

Inangat na ni Kathleen ang ulo niya sa pagkakasubsob sa balikat ni Felix at kumalas na din ito ng yakap.

Ii-start na sana ulit ni Kathleen ang engine pero pinigilan siya ni Felix.

"Halika na baba na tayo."

"Anong baba na?"

Lumingon si Felix sa kanang side niya upang ipakita kay Kathleen na nasa tapat na pala sila ng gate ng Villa Athena na ikinagulat naman ng dalaga.

"Paanong napunta na agad tayo dito?!" Sinilip niya pa maigi ang gate nila.

"Bilis-bilis mong magpatakbo nagtataka ka pa! Halika na!" Pinindot nito ang busina upang pagbuksan sila ng gate ni Mang Peter at siya na ring mag-garahe ng sasakyan.

The Damn Princess (Completed) Sequel to The SuitorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon