Part19: Villa Athena

279 49 2
                                    

Ninoy Aquino International Airport.

"Kumusta naman po ang tour Senyorita. Nag-enjoy naman po ba kayo?" Tanong ni Peter habang kinukuha nila ni Poleng ang mga bagahe ng kanilang senyorita.

"Does it look like we enjoyed it?" Pagtataray agad ni Kathleen.

"Kita mo na ngang napaaga uwi namin Mang Peter noh!" Segunda ni Bhea.

"Ganon po ba? Bakit naman ho?"

"Aba malay! Itanong mo d'yan sa amo mo!"

Kasabay ng pagkasabing iyon tuloy tuloy lang si Kathleen na pumasok sa loob ng van. At isinara na ito. Habang sina Toni at Bhea iniwan na sa bandang likuran ng sasakyan ang mga bagahe nila at hinayaan ng si Mang Peter at Poleng ang magpasok sa trunk. Tsaka sa kabilang pinto ng van pumasok.

"Si Dad nasa bahay naba?" Pagkaupo ni Mang Peter sa driver's seat na tanong ni Kat.

"Mamaya pa ang lapag ng eroplano niya senyorita. Mga 10pm. Susunduin ko po ulit siya mamaya.

"Okay let's go."

"Oo nga pala nakauwi na rin kaya sina Celine?" Tanong ni Toni.

"Hindi natuloy. Tomorrow daw flight nila. Bakit mo naman naitanong."Sagot ni Kat.

"Wala naman, kasama nila si Patrick di ba?"

"Yun ang sabi niya."

"Good!"

"At bakit? Wala akong balak sa lalaking yon noh! He's not my type! So kung nakakaisip ka ng plan for him. I am NO to that man!" Tanggi ni Kat.

"That's good! Kasi kung ikaw wala ako may balak ako sa lalaking yon and I think I like him." Ngiting kilig ni Toni.

"Sus!" Ang nanahimik na si Bhea napa-react.

"Crush ko nga siya! Kaya let's be good to Celine. Magsosorry din ako sa kanya pag nagkita na tayo dito."

"Plastik neto!" Si Bhea ulit.

"How did you know? Hahahaha Siempre no!joke lang yun para mapalapit sa kin si Patrick!"

"I said so!" At pumikit na lamang si Bhea para umidlip.

*****************

Three hours din ang binyahe nila bago nakarating sa Villa Athena.

Apat na private school nila ang nasa town na iyon. Dalawa na nga lang ngayon. May mga shopping malls, the biggest one ang pag-aari nila. Naroon din sa lugar na iyon ang Athena Kat Palace na wala na din sa pangalan ni Michael.

Sad to say. Nabawi ni Kenneth ang naipatalo niyang shopping mall niya. Dahil adik na sa sugal kinabukasan ay si Michael Araneta na ang nagyaya na muli silang maglaro. At natangay nito ang shopping mall nilang mag-ama.

Dalawang private schools at ang pinaka-tirahan na lamang ng hacienderang demonya ang natira doon.

***********************
Hinatid muna nila si Toni at Bhea sa mga bahay ng mga ito. At tulad ng inaasahan bigo na naman si Kathleen na makasama ang ama. Dahil hindi naman ito umuwi.

Napuyat lamang siya sa paghihintay.

*************************

The Damn Princess (Completed) Sequel to The SuitorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon