Part 8: First Plan

351 52 2
                                    

Magkatabi si Toni at Bhea sa seat sa plane. Nasa tapat naman si Kat alone. Pero ilang saglit lang dumating na rin ang makakatabi niya.

Umupo si Celine sa tabi niya. Busy naman si Kat sa kakakalkal sa cp niya. Ni hindi tinapunan ng tingin kung sino man ang katabi niya. Pero ilang saglit lang si Celine na rin ang unang nagsalita.

"Hi!" bati ni Celine sa kanya kasabay ng matamis na ngiti.

Tumingin si Kathleen sa kanya at medyo nagulat ng kaunti ng makita na ito pala ang katabi niya.

"Hello!" cold niyang sagot dito , ni hindi ito gumanti ng ngiti at
muling ibinaling ang tingin sa phone niya.

"Are you alone?" Kunwang tanong niya. Kahit alam niya naman na tatlo sila. But she's trying to open up a conversation kay Kat.

"No." sagot niya na hindi tumitingin.

"Kathleen right? Don't you remember me?"

"Hmmm..ah yeah I remember you..but I forgot your name."

"Celine. Celine Altamirano. Cousin of Fyron."

"Oh yeah, Celine, nice to see you again." at muli hinarap ang cp. ayaw niya halos ito kausapin.

"So you're on a tour?"

Hindi sumagot si Kat.

"Ako naman may aasikasuhin ako sa Paris." patuloy lang nito.

"ok." sabay talikod kay Celine at sa window humarap. Mukha bang trip ko siya kausapin?! tsk so kulit! dami dami namang makakasabay at makakatabi bat ito pang pinsan ni Fyron! So malas! grrr..pano namin mapgkukwentuhan ang mga trip namin neto. Phss!

Bumaling naman si Celine kina Toni at Bhea. Ngumiti lang siya sa mga ito. kinuha na lang din niya ang phone niya. Tsk mean girl talaga to.. pero makikita natin kung hanggang saan ka..

******

Dahil ilang at irritated na si Kat, nagrequest siya kay Toni na magpalit muna sila ng seat. kaya kahit pano hindi naging ganon kaboring ang flight nila. Nga lang si Toni ang nagpanis ng laway dahil ilang din ito na katabi si Celine.

Wala silang naging imikan. Nong nagland na ang plane ay sumenyas pa si Kat kay Toni na bilisan ng makababa na sila agad. Kaya't patayo na din si Celine ay biglang excuse si Toni. Inunahan niya ito kaya't napaupo na lamang muli ito upang bigyan ng daan si Bhea.

******

Direcho sila sa hotel.

"We're here at last!" nasambit ni Kat kasabay ng pagbagsak ng katawan niya sa kama.

"Haist..dami naman makakasabay bakit naman kasi yung Celine pa na yun!" si Kat pa din.

"Sinabi mo pa..pero ayaw niyo non meron tayong pwede paglaruan dito sa Paris." Kademonyahang utak ni Toni.

"Naku noh hayaan muna ninyong makapag-relax at enjoy yung tao. kakamatay pa lang ng pinsan niya. Kaya nagpunta yun dito para naman makapagpahinga!...(napatanga naman yung dalawa sa sinabi ni Toni, eepal na sana si Toni, kaso nagsalita pa si Toni.)

...magpahinga na muna na tayo parepareho bukas na natin pag-isipan ang gagawin natin sa babaeng iyon, pero may idea nko hahaha secret muna!"

Sabay biglang tila nabunutan ng tinik ang reaksyon ni Kat at Toni..

"Hahaha wLangya ka, pinakaba mo kami ni Kat!"

"My oh my Toni I thought may angel na kaming bitbit ni Bhea. Nakatabi mo lang si Celine akala ko nagkaputing pakpak kana hahaha!"

"So ano bang trip ang gagawin natin sa babaeng yon?" si Kat.

"Tomorrow na lang.. ayusin muna natin sa closet tong mga things natin."

"Hmm..pakisabay na lang din ung sa akin ha." sabi ni Kat sa dalawa.

Umorder sila ng food. Pagod pa sila na lumabas. After eating gusto muna nilang magpahinga. Two weeks naman ang tour na yon.

*****

Samantala sa same hotel ding iyon...

"So paano Celine, punta na ko sa room ko. Okay ka na ba dito?"

"Pumasok ka na muna Carl. Pag-usapan muna natin ang gagawin nating pagpapaamo sa mga impakta. Mukang maiilap."

"Okay."

Naipasok na din ni Carl ang bagahe ni Celine sa closet. Direchong naupo naman si Celine sa kama at nagdial sa phone na naroon upang umorder ng kakainin nila ni Carl.

"You already have a plan Celine?"
pagkababa ng phone ay tanong ni Carl dito.

"Yeah. Let's just wait for the food then pag-usapan natin yung naisip ko para mabilis tayo. We only have 2 weeks. "

"Good at nakapag-come up ka agad ng idea."

"Iba nga kasi mga ugali nila. I tried myself to them when we are still at the plane.. tsk hard to get hahaha. Kaya don palang nag-isip na ko ng pwedeng gawin. Just help me kung ano pa mas maganda para successful ang gagawin natin."

"Yes ofcourse, that is why Im here. heheh... Hahanapan lang natin yan ng magandang timing."

"Good thanks.. I'll just call Kuya Ricky to let him know we arrived safe."

"Alright. Dito lang ako sa terrace. "

"Sige." at kinuha na niya ang cp.

*******

"How's the flight?"

"Great. Nabigla lang sila na katabi nila ako sa seat hahaha."

"So have you talked to them? How was it?"

"I tried, but not good. Nailang din yung reyna nila at nakipagpalit ng seat sa isang kampon niya. Well sumasagot naman nong kinakausap ko, kaso isang tanong isang sagot, tas tinalikuran pa ko."

"Ibang klase talaga noh... Galingan mo nalang ang if you need me tawagan mo lang ako pag naubusan ka na ng plan."

"Tsk Kuya. It's me Celine. Kaya ko to. Pagbalik namin dyan sisiguruhin ko sayo bestfriend ko na ang demonya. hahahah!"

"Very good. Alam ko naman eh."

"How about you?"

"Heto magkikita mamayang gabi si Bright at si Michael Araneta. Ipupusta niya naman ang private school niya."

"Loko ding matanda yun ah, nalulong na sa sugal. Tama yan nang wala ng matira sa Kathleen na yan. Tingnan natin makapagyabang pa yan at makapaghariharian matapos maubos natin ang kayamanan ng ama niya."

(Doorbell)

"Ako na." sabi ni Carl.

Dumating na ang order nilang food.
Narinig naman ito ni Carl kaya siya na ang nagtungo ng pinto para kunin ito. Upang di maistorbo ang pag-uusap nila.

Pinasok niya ito at nilapag sa table.

"So Celine... usap na lang tayo ulit okay may meeting pa ko."

"Okay kuya, dito na rin food namin..ingat ka dyan."

"Kayo rin ni Carl. Goodluck."

"Thanks kuya. Goodluck too."

Tinawag na siya ni Carl. Kaya pumwesto na siya para makakain sila at mapag usapan ang first plan.

The Damn Princess (Completed) Sequel to The SuitorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon