Part47: The Damn Gets Dumped

225 20 0
                                    

Dalawang linggo na buhat ng mangyari ang insidenteng iyon kay Kathleen at Ricky. Wala pa din siyang balita sa lalaki.

Naka-upo siya sa dining. Nakatitig sa cellphone niya. Ilang linggo na siyang nagbabakasakali na mag-ring ang telepono niya at sana ay si Ricky ito. Kahit hindi sila nagkabatuhan ng phone number. Kung gusto siya makasama at makausap nito gagawa naman siguro ito ng paraan.

First time niyang maranasan na deadmahin ng ganoon ng isang lalaki. Well actually 2nd time. May gumawa na rin sa kanya ng ganoon. Ang estranghero sa bundok ng Siquijor.

Nawawala na yata ang appeal at malakas niyang charm sa mga gwapo at napalitan ng pangit ang nagkakagusto sa kanya.

Sorry Felix! Nabigla lang ako. Naisip niya

Hindi na ganoon kapangit ang tingin niya kay Felix. Hindi niya na nga ikinahihiya itong makasama sa labas at sa harap ng maraming tao.

Totoo talagang nakakatabon ng ugali ang hitsura ng isang tao.

Kahit sobrang pangit mo pa, basta maganda ang ugali mo, marami ang magtatanggol at magmamahal sa'yo. Maraming masasaktan 'pag may narinig silang hindi maganda para sa'yo.

At kahit ano namang ganda mo, at sinabayan ng nakakasulasok mong pag-uugali. Rumerehistro sa mukha mo ang nakakasuklam na anyo! And all of them just wanted you, dead!

Nailing siya. Parang ako! Tsk!

Namuo ang butil ng luha sa mata niya.
Biglang nagbalik ang mga nagawan niya ng kasalanan. Higit sa lahat si Fyron at ang pamilya nito.

Tila binuhusan ng mainit at kumukulong tubig ang dibdib niya sa bigla nitong pag-init at parang may tumusok dito nang maisip niyang si Celine pa ngayon ang nagbibigay ng importansiya sa kanya. Isa pa sa mga kadugo ng lalaking minahal siya ng wagas, na pinatay niya lang, ang taong nagmamalasakit sa kanya ngayon.

Halos ngayon lang nag-sink in sa kanya kung anong klase ng tao ang binura niya sa mundo.

Tama ka Celine. Hindi dapat ang mga katulad ni Fyron ang nawawala sa mundo. Dapat 'yung mga kagaya ko.

Napasubsob siya sa lamesa ng iyak.

Nakatanaw naman si Felix sa kanya na kanina pa siya pinagmamasdan.

Nagulat naman ito ng may biglang humawak sa balikat niya.

"Celine?" Lingon dito ni Felix.

Ngumiti ito. "What happened to Kathleen?"

"Lagi siyang ganyan. Simula noong dumating siya matapos nilang magsama ni,"

"Shhhh!" Putol ni Celine sa sasabihin ni Felix. Lumapit ito kay Kathleen. Inilapat niya ang palad niya sa balikat ni Kathleen. At hinimas-himas iyon upang pakalmahin.

Umangat naman ang mukha niya.

"Celine? Huhuhuhuh!" Yumakap siya kay Celine na niyakap din naman siya.

**************************

Niyaya niya si Kathleen na mamasyal. Pero tumanggi si Kathleen. Masama ang pakiramdam niya. Parang ngayon siya dinudurog ng konsensiya niya. Lalo at heto na naman si Celine na pinapakita ang concern at pagmamahal sa kanya bilang kaibigan niya.

Nag-bonding na lamang silang tatlo sa kwarto ni Kathleen.

"Senyorita Kathleen, nakahain na po ang dinner." Malumanay na pagkasabi sa kanya ni Aling Poleng." Kain na po kayo nina Sir Felix at Senyorita Celine." Yaya nito.

The Damn Princess (Completed) Sequel to The SuitorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon