Part15: Lambing Ng Maldita?

326 49 2
                                    

Sa loob ng suite nila.

"What are you doing there? You told me that you're going to Louvre." Paasik na sabi niya sa dalawa. Saka naglakad patungo sa mini bar na sinundan naman ni Toni at Bhea.

"We've been there last time, we changed our mind. Is that bad?" Sagot ni Toni na umabot ng kopita na nakasabit sa taas na bahagi ng mini bar at inabot ang isa kay Kat.

"At bakit ba parang galit na galit ka? Nakasira na ba kami sa plano mo?" Si Bhea na kumuha naman ng wine.

"Ano bang plan? I don't have any plans! Nagkataon lang na wala akong magamit na car, nagkita kami at nagmagandang loob siya na maki-ride ako." Umupo si Kathleen.

"See?! Yan ba ang walang plan?"

"Hoy Ms. Kathleen Araneta, kilala ka namin. Hindi ikaw yung tipo ng tao na basta na lang sumasama sa lalaki na walang halong kabulastugan!" Si Toni na umupo sa tabi niya.

"At anong walang magamit? Bakit di mo kinontak si Philip?" Sabi ni Bhea na binuksan naman ang wine at sinalinan ang mga baso nila.

"Ang tarantadong hayop na yon!" Mahinang sabi ni Kat.

"Binulong mo pa, rinig naman. Ano ba ginawa sayo non?" Sabi ni Toni.

"Ni-rape ka ba? Parang makagigil ka sa sinabi mo parang pinagsamantalahan ka naman nong tao." Sabi naman ni Bhea.

"Aminin mo na kasi na nakipag-date ka lang talaga sa bago mong laruan. Tsaka Kat ano ba yan, ilang araw na tayo dito. Hindi ako sanay ng ganito tayo katahimik. We need some fun here!" Si Toni.

"By the way about that Toni... Di ba sabi mo may plano ka kay Celine. Yung pinsan ni Fyron. Ano na? Di pa ba natin sisimulan." Tanong ni Bhea.

"Kung ano man yung iniisip ninyo, huwag n'yo na munang ituloy."

"Hmp! Bakit naman? First time yan Kathleen ah." Nadismayang tanong ni Toni tsaka shumat ng wine.

"Pagtitripan lang naman ah." Sulsol ni Bhea na nakipag-cheers pa kay Toni sabay kindat.

"Huwag na nga sabi si Celine." Shumat din ito ng wine.

"Wow Kat, is that you? Ano...nagtanim ka ng buto ng kunsensiya sa utak mo?" Pang asar ni Toni.

"Kaya naman pala gustong magpadilig at balak pang ilihim sa tin! Hahahaha!" Pambubwisit ni Bhea.

"Wow lang bastusan na ba to?!" Pabagsak niyang binaba ang hawak niyang baso na ikinabasag nito at saka tinalikuran ang dalawa.

"Eh pano ba naman nakakaasar ka na! Simula nong dumating tayo dito nagsosolo ka! Sana di mo na kami isinama!" Nakaismid na sabi ni Bhea at muli lang nagsalin ng wine.

"Hoy Kat! Matutulog ka na naman agad!" Tawag sa kanya ni Toni.

Tuloy-tuloy lang na naglakad papuntang sala si Kathleen. Kinuha ang bag at nagtungo sa kwarto. Saka malakas na isinara ang pinto.

"Naku talaga naman Kat! Kahit anong tapang mo hindi mo kayang labanan ang antok! Hahahah!"

"Antok ka dyan! Hayaan mo siyang mabadtrip! Ganyan naman yan, pag siya na inaasar hindi kinakaya! Hmp!" Sabay lagok ni Bhea.

The Damn Princess (Completed) Sequel to The SuitorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon