"Dapat lang noh! Pagkatapos mo kong paiyakin dati?"

tumawa naman siya. Hindi ko alam kung naiinitan lang ako o sadyang namumula lang ako dahil sa sinabi niya sa akin. Gosh! Ganong ganon pa rin epekto niya sakin! Walang kupas.

"Hoy Athena! Tama na pakikipaglandian diyan! Kakain na!"

"Hindi naman ako nakikipaglandian ah? Yari ka sakin mamaya tignan mo,"

"Whatever,"

"Hahaha. Kumain ka na muna, I'll wait for you."

Napatingin ako sa phone ko ng magsalita so Ryan. Kausap ko pa palace siya, nawala sa isip ko. Si Kuya kasi eh, ang epal. Ang bitter bitter kasi, walang lovelife.

"Pero..."

"Kain na. Mahirap na, wala ako diyan para alagaan ka. I'll wait for you okay?"

"Okay," sabi ko ng nakanguso.

Baka kasi mamaya hindi ko na siya ulit makausap dahil baka aalagaan ko pa si mommy. Kailangang bumalik ni dad sa trabaho niya. Kahit na tinatalo na kami nung nanay ni frost kuno, kailangan pa ring asikasuhin 'yun.

Si frost naman, kakausapin niya at 'yung nanay-nanayan niya. Atsaka, kailangan niya ring mag-aral pa. Si kuya, nandito pa rin naman pero kasi hindi naman pwedeng siya lang mag-alaga. Kailangan niya ring mag-aral. Kaya no choice talaga.

"I know you'll be busy. But love..."

"At kailan mo pa ako tinawag na love, ha?"

Tumawa naman siya sa kabilang linya. "Ngayon lang?"

"Alam mo----"

"Ano, hindi mo pa ba 'yan titigilan athena?! uubusin ko 'yung fries doon pag di ka pa pumunta dito!"

napatigil naman ako sa pagsasalita ko ng marinig ko ang sinabi ni kuya. No! My babies! "Uh, Ryan? I need to go, my babies---"

I heard him chuckle, "Okay okay. I will wait for you. or.. magpahinga ka nalang after mo kumain. Okay?"

"Yes dad, i will." narinig ko siyang nag-'tsk' kaya napatawa nalang ako. 

Ibababa ko na sana 'yung phone ko kaso nagsalita pa ulit siya. "Please take care of yourself when i'm not around." 

"Opo. I'll hang up na. Bye."

"I love you."

/toot toot/ 

Aba! Ako nagsabi na maghang up na ako. pero siya 'yung gumawa?! Napatitig na lamang ako sa cellphone ko ng umuulit ulit sa isip ko 'yung huli niyang sinabi sakin.  I love you. I love you. I love you. I lo----

"Frost! Kumain ka muna ng fries bago umalis ha? Or baunin mo nalang 'toh sa byahe mo."

Napatakbo agad ako sa sala. Ang lakas lakas ng boses ni kuya. Masyadong halata na pinaparinggan niya ako. Inagaw ko na agad sakanila 'yung bowl na punong puno ng fries pati na rin 'yung mayonnaise na nasa isa pang lalagyan kinuha ko na rin.

Binelatan ko silang dalawa ng titigan nila ako. Binilisan ko ang lakad ko pero maingat pa rin ako. Baka matapon eh! Sayang naman kung malaglag siya. Tas walang pang sasalo kasi wala pa akong pangatlong kamay. Pero baka may makasalo, kaso ibang tao.

-

"Asan na 'yung baby ko? Baby A, asan ka na? Nandito na si mommy."

"Mom. How many times do i have to tell you? I'm Athena for Pete's sake!"

"I don't talk to strangers, sorry."

Napasapok nalang ako sa noo ko. At hinawakan ko ang sentido ng ilong ko. Nakailang beses ko ng ipinamukha kay mom na ako si athena. Pero wala eh, sabagay, hindi naman ganun kabilis makarecover ang may amnesia.

"Pfft. Sa labas po tayo mom. Let's go around."

Tinitigan ni mom si kuya na mukhang nagtataka, "Phrixus? Ikaw ba 'yan? Bakit ambilis mo naman ata lumaki?"

"Eh kasi po----"

"Or baka naman, hindi ikaw si phrixus? Nagpapanggap ka lang ata bilang phrixus noh?!"

"Ofcourse not, mom! I'm really phrixus!"

napahawak si mom sa noo niya. Agad naman kaming lumapit sakanya, baka kasi sumasakit 'yon."Bakit andaming mapagpanggap na tayo ngayon? and also, where the hell is my husband?"


Nagkatinginan kami ni kuya at natawa. Pati ba naman si mom? Humuhugot na rin? Sayang naman at wala si frost. Napahinto kami sa pagtawa ng biglang sumigaw si mom. "Bakit hindi nila ako in-inform na gagala sila? Ang pangit tignan ng wala ako dun! Hindi na masaya! Boring na 'yun! Sinama rin ba nila si frost ko--oh my! Baka makuha siya ni Loren! That desperate bitch!" 

"Hey! Mom! Wait! Don't go!" 

"Mom!"


Pigil namin sakanya ni kuya. Ang kulit ni mom! Grabe. Parang bata. Aalis siya kahit hindi naman niya alam kung nasaan 'yung si Loren na 'yun. Hay nako! Nakaka-stress!

The Nerd's Revenge ❘ ✔Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz