TOP1: My effin' past

159 14 18
                                    

As long as possible chinecheck ko yung typos kaso may mga nakakaligtaan. Paki intindi na lang. Thank you! ^_^ Enjoooyy.

______________________

"Hoy! Arisha! What the---WAHAHAHAHAHA!!!! Ano yang panibago mong eye glasses?! Ang pangit mo! Wahahaha!" Aba, gaga 'to ah!

Panget?! Etong pagmumukha na'to?! Tatawagin lang niyang panget?!??!! Aba aba! Hindi ako makakapayag! Shet! Masyado akong maganda noh-----malaman nga lang. Ugh! Bwisit! Eto na nga ba sinasabi ko eh! May pa overtime overtime pa'kong nalalaman! Tuloy naabutan ako ng bruhang toh!

"Hello?! Kelan pa ba yan naging hindi panget? Wahahaha!" Sigaw pa nung isang lecheng babaeng kasing kapal ng harina ang makeup.

"Wala kang karapatan na sabihin yan noh! Tignan mo naman yang mukha mong kapag itinabi sa palaka ay mapapagkamalan magkapatid na kayo!" Sabi ko at ngayo'y hingal na hingal ako. Letche. Sino ba naman may sabing magrap ako sa harapan niya?

"Ah ganon hah! Walanghiya kang baboy ka!" Napasinghap ako nung hinila niya ang buhok ko. Aahhh! Shit! Masakit ah!!

"Tandaan mo toh! Hinding-hindi ka papansinin ni Helia!!! May girlfriend na yun at chix pa! Kaya wala ka nang magagawa pa!! Ikaw pa kayang matabang baboy ka?!!!" Teka ba't napunta usapan kay Helia?

Gusto ko nang umiyak dahil sa sakit ng pagkasabunot niya sa'kin ngayon. Wala naman akong magawa dahil nakahawak sa'kin ang dalawa niyang alipores.

"Linda! Anong ginagawa mo sakanya??" Rinig kong sigaw ng isang pamilyar na boses. Boses ng isang babae......



"Hi Bev! Ito nga pala si Arisha." Nakangiting sabi ni Lintang malandi.

"Oh..... I see. I've heard of her name." Nakangising sabi ni Beverly. At lumapit pa sa'kin lalo. Inilapit niya ang kanyang bibig sa tainga ko. "Ikaw yung may gusto kay Helia?" Ramdam kong nakangisi siya ngayon pero nagulat akong nung lumubay siya sa'kin ay nakita kong galit ang kanyang ekspresyon.

"Tantanan niyo na nga siya! Ano bang mga problema niyo?! Mga mukhang palaka! Tss. Halika na Arisha......" At tinulungan niya kong makabangon dahil nakaupo ako dito sa sahig dahil sa sakit.

"Pumunta tayo sa field" Nakangiting tanong o utos niya o whatever. Basta niya na lang akong hinila. At nung makarating kami sa field laking gulat ko nung naglalakad kami papunta sa....babaeng nakatalikod na may mahabang black na may brown na buhok. At laking gulat ko nung nakita ko na kung sino yun. Si Aila Hime na kausap si.....Helia. Shit. Naman oh! At nakangisi naman tong bruhildang katabi ko. Walang hiya!

"Guys...... Si Arisha oh..... Oh Helia dear! I assume alam mong crush ka niya? Hahahaha." At nakitawa na din ang mga kasamahan niya. Si Aila naman walang emosyon nakatingin sa'kin.



Si Aila ang pinapartner ng karamihan kay Helia, kesyo bahay daw sila.

"Sorry dear... Taken na siya eh...." Sabay lapit niya kay Helia... At talagang umupo pa sa kandungan niya ah! Wow! "At ako ang girlfriend niya! Perfect, right?"

"What? Kala ko ba sila ni Aila?" At napakaboba ko naman ata dahil narinig niya or nila ang aking tanong sa sarili.

"Stop talking crap, honey." At Lord, my Greatest God!!!! Pwede niyo na po akong kunin!!!! Dahil ngayon pa lang gumuguho na ang aking mundo!!! HAHAHAHA!!! Grabe! Hinahalikan lang naman ni Bev si Helia! Ang sarap panuorin oh! ANG SWEET! KAININ SANA SI BEVERLY HILLS NG LANGGAM. HAHAHA. SIGE KUNWARI NATATAWA AKO.




Taste of PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon