Nagising si Phoebe dahil nakaramdam siya ng gutom.

Ehrr? Nagugutom na ako….

 

 

 Tska niya lang unti-unti niyang naalala ang mga nangyari.

Oh Geeez, Nahimatay nga ako… ano bang nagyari?

 

 

 

Tumingin siya sa gilid ng kamang kinahihigaan niya at nakita niya si Kent na nakayuko. Napangiti siya.

Yuuuucccck hahaha parang sa mga movies lang, nagkatulog ang leading man ng dahil  sa pagbabantay sa leading lady na may sakit wahahaha.

 

Mukhang engot na napapangiti si Phoebe.

Hahayyy si sungit ay naging sweet na!!! weeeeeeee.

“Kent…” sabi niya dito.

Pero mukhang tulog na tulog ito. Hindi sumasagot.

“Tulog ka pa? Aww kawawa ka naman nagbantay ka siguro sa akin. Di ka pa nakakpagpahinga simula ng umuwi ka galing ng shooting. Kasi naman ako eh! Nagkasakit pa ako!! Engot ka Phoebe engot!!! ” nagmomonologue siya

 

 

Akmang binabatukan pa ni Phoebe ang sarili niya.

“Bakeeeet??!?! Ano bang nangyareee bakit ako nahimatay??!! Hindi kaya… OH NOOOOO!!” panic mode siya.

“HOY!!!” biglang nagsalita si Kent at bumangon mula sa pagkakayuko.

“Ay siomai!!”

“Huh?! Siomai ka dyan. Ingay-ingay mo natutulog yung tao.” Nagsusungit na naman ito. Namumula ang mata nito. Halatang pagod parin at puyat. Bumalik na naman ito sa pagkakayuko.

Secretly Married .ƒĢ. (Completed and Published in English and Indonesian)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!