Prologue

223 45 48
                                    

Kakapasok ko lang sa Maxford University. Ayos naman ang lahat. Marami naman akong kaibigan, tropa at barkada. Naging heartthrob pa nga eh. Maganda ang pakikitungo ng teacher sa amin. Maganda rin ang mga ugali ng mga istudyante dito. Overall perfect ang school na ito. Pero naniniwala akong walang perfect sa mundo except kay God. Kaya naghanap ako ng bagay na medyo sablay sila. At nalaman kong iisang istudyante lang ang nilalayuan at kinaiinisan nila. Kaya naawa ako sa kanya. Gusto ko siyang kausapin, lapitan, maging kaibigan, pero bawal. Naalala ko ang kwento ng isang tsismosang babae sa room namin.

"Isa lang siyang simpleng babae noon dito sa Maxford University. Masayahing babae siya noon. Pero di na ngayon. Pagkatapos ng maraming aksidente, nagkagulo na ang buhay niya. Wala ng gustong lumapit sa kanya except sa mga kaibigan niya. Mahirap ng pagkatiwalaan ang mysteryosong babaeng yun. Baka bigla na lang ako bangungutin ahahahaha"

Marami pa akong narinig tungkol dun sa babaeng mysteryoso. Pero di ko alam kung totoo lahat iyon

Di kami magiging masama kung di dahil sa kanya

Masama siyang tao

Dapat sa kanya mamatay

Malas ang babaeng yan

Sa lahat ng narinig ko. Eto ang pinakamalupit at pinaka- nakakakilabot. Parang babala o banta sa akin ito. Hanggang ngayon naguguluhan parin ako sa sarili ko. Di ko alam kung paniniwalaan ko ba o hindi

Bago ka lang dito sa Maxford University, maraming bagay ang dapat mong paniwalaan. Marami kang maririnig sa iba't-ibang tao na kung saan ay totoo lahat iyon. Pero nasa saiyo, kung paniniwalaan mo o hindi. Kung di ka man maniniwala, sige hahayaan ka kita. Iisa lang naman ang hinihiling ko eh. Lumayo ka sa KANYA!

Mysterious Girl [ON-HOLD]Where stories live. Discover now