Chapter XXI: Tempest

Start from the beginning
                                    

"Ano nga pala ang napanaginipan mo?" Pag iba nito sa usapan. Napabuntonghininga si Tempest.  Ang galing umiwas ni kamahalan.  Hala sige pagbigyan.  Naglakad siya palapit sa pool at umupo sa gilid. Isinawsaw niya ang kanyang kamay doon at nilalaro ang tubig.  Sa totoo lang nagdadalawang isip siya kung magtatapat ba siya dito.  Pero...

"Cee, do you hear voices?"

"No." Isang mabilis na sagot, kaya alam ni Tempest na malamang sa hindi may itinatago ito. Hindi niya ito pinipilit. Alam niya ang ugali nito, magsasabi lang ang kaibigan pag handa na ito.

"Sasabihin ko sayo ang lahat Cee pero gusto ko kaharap ang lolo o ang lola. Masasamahan mo ba ako sa lolo ngayon?"

Hindi ito sumagot pero hinawakan niyo ang kanyang kamay at hinila siya patayo.

"Hey, saan tayo pupunta?"

"Diba gusto mong makausap ang lolo mo?" Balik tanong na naman nito.

"Ngayon na agad?"

"Ayaw mo?" Again, balik tanong na naman nito.

"Okey." Kaysa magtanong muli minabuti ni Tempest na sumang ayon dito. Baka sagutin na naman siya ng tanong.

"Whatever you dreamed last night, it affects you and scare you. Ni wala ka ngang ganang kumain. Kaya kung ikakabuti para sayo ang ikwuwento iyon ay gagawin na nating ngayon din. Ayokong nakikita kang ganyan. Baka pagalitan ako ni Brynna at Tarieth na pinabayaan kita." Mahabang paliwanag nito habang patuloy sila sa paglalakad.

Wow! "Okey"lang pala ang katapat nito! Aba! Sa dami ng tanong ko wala akong napala. Pero isang okey lang, lahat ng tanong ko nasagot?

Nasa unahan niya si Seregon kay hindi nito nakita ang ngiti niya. Patuloy na hawak nito ang kanyang kamay habang hilahila siya. Ang mga studyante na nagkasalubong nila ay doon napatingin. Para namang walang pakialam si Seregon sa mga ito. May pagkaarogante talaga ito. Hmmnn.. Princeling, makakahanap ka rin ng katapat mo.

"Thank you Cee. For taking care of me." Seryoso niyang sabi dito. Huminto ito bigla kaya nabangga siya sa likod nito.

"Hindi ko kailangan ng pasasalamat mo! Ang kailangan ko ay mag ingat ka lagi!" Sabay duro nito sa kanyang noo. Bahagya pang na bend pa backward ang ulo niya dahil sa pagduro nito sa kanya.
Binitiwan nito ang kanyang kamay na hawak nito kanina at nauna ng naglakad.

Aba't! Pilit ikinalma ni Tempest ang sarili bago sumunod kay Seregon. Noon lang din niya napansin na tanging sila nalang ang tao sa pasilyo.

Si Seregon ang kumatok sa silid ng kanyang lolo. Maya- maya ay narinig nila ang boses ng kanyang lolo na pinapasok sila.  Maganda at maluwang ang silid ng kanyang lolo with a high ceiling.  At sobrang dami ng libro.  Daig pa ang library sa dami.  Maliban sa misa at isang sofa at iilang single chairs sa gilid ay wala ng iba pang laman ang silid.

Nakaupo ang kanyang lolo sa likod ng misa nito na yari sa kahoy at naghihintay na makapasok sila.  Lumapit siya dito at humalik sa pisngi nito.

"Okey ka lang apo ko?" 

"Okey lang ako lolo."  Saka lang napansin ng kanyang lolo si Seregon.

"Prince Seregon."  Bati nito.

"High Lord.  Magandang tanghali po."

"Anong maipaglilingkod ko sa inyong dalawa?" Tanong nito na naglakad pabalik sa likod ng misa nito at umupo.  Utinuro nito ang dalawang upuan sa magkabilang panig ng misa nito at doon  sila umupo.

Hindi alam ni Tempest kung paano uumpisahan ang sasabihin.  Bago pa niya maibuka ang bibig ay naunahan na siya ni Seregon.

"Tungkol sa panaginip niya High Lord.  Gusto niyang kasama kayo bago niya ikuwento ang napanaginipan niya."

"Lolo, si Lola ba nasa Timog pa rin?"  Ang tinutukoy ni Tempest ay ang Timog na bahagi ng Quoria, ang Resso kung saan patuloy ang laban sa teritoryo doon.

Sabay na napalingon sa pintuan sila ni Seregon ng biglang bumukas iyon ng walang narinig na kumatok.  Iniluwa niyon ang kanyang lola.  Matangkad ito sa taas na 5'8.  Balingkinitan ang katawan kahit mahigit isang daang taon na ito ay mukha pa rin itong treinta anyos. At higit sa lahat napakaganda nito. Naka ponytail ang kulay mais nitong buhok, pero abot pa rin hanggang baywang ang dulo.

Seryoso ang mukha nito ng pumasok pero ng makita siya ay agad na sumilay ang mga ngiti sa mga labi nito.

"Kitten, what are you doing here?" Masayang bati nito.

Elemental Mage Book 2 (Tempest)Where stories live. Discover now