Chapter XXI: Tempest

4.5K 181 1
                                    

Tanghali na ng nagising silang tatlo.  Sabay na lumabas si Rosemair at Vanity at bumalik sa kanya kanyang silid para magbihis.

Paglabas ni Tempest sa kanyang silid ay naabutan niyang naghihintay ang dalawa sa kanya.  Sabay silang tatlo na naglakad papuntang dining hall.  Dahil tanghali na kaya lunch na ang naabutan nila. 

Kumakalam ang sikmura ni Tempest pero ng mapatingin siya sa paa ng manok ay nawala ang gutom niya at gusto na naman niya masuka.  Naalala niya ang napanaginipan kagabi.  Ang tanging kinuha niya ay isang mainit na tsaa.  Bitbit ang tasa ng tsaa habang naghahanap si Tempest ng mauupuan.  Ang napili niyang misa malayo sa ibang kumakain. 

Hindi nagtagal ay tumabi sa kanya ang dalawang kaibigan.  Parehong may  dalang fried chicken at meatballs si Vanity at Rosemair.  Ganun nalang ang kagustuhan ni Tempest na umalis at iwanan ang mga kaibigan.  Pero dahil naalala niyang iniwan niya ang mga ito noong Tierrasday ng walang paalam kaya hindi niya magawang umalis. 

Napaangat ng tingin si Tempest ng biglang may inilapag na Ensalada sa kanyang harapan.
It was Seregon and Reavel. "Eat." Utos na naman ni kamahalan.

Napaikot na naman ang eyeballs ni Tempest ng mapansin niya ang pasimpleng ngitian ng mga kaibigan.

"Tumigil kayong dalawa!" Saway niya sa dalawa. Sabay pa na namilog ang mga mata ng mga ito at painosente pa.  Hindi na napigilan ni Tempest na matawa.

"Kamahalan, ipaliwanag mo nga sa dalawang ito na kailan man ay walang malisya sa ating dalawa at wala tayong nararamdaman para sa isa't-isa. At wala tayong itinatagong damdamin!" Sabay turo sa dalawang kaibigan.

"Sino ka para utusan ako?" Walang pakialam na sagot ni Seregon at parang walang narinig na patuloy na kumakain.

Aba't! Anong gustong palabasin ng lalaking ito? Mamaya ka lang!

Kung nakakamatay lang ang tingin ay kanina pa bumulagta si Seregon sa kinauupuan nito. Hindi niya ito nilubayan ng tingin. Hanggang sa sumuko ito.

"Fine!" Yamot na sabi nito. Lumipas ang sandali ngunit walang narinig si Tempest mula dito kaya, "and?"

"And what? Tigilan mo ako Strongbow! Hindi maganda ang tulog ko! Let's go Reav." Anito sabay tayo.

"No you won't!" Awat niya dito ngunit nakaalis na ito kaya walang nagawa si Tempest kundi habulin ito.

Naabutan niya ito sa harapan ng kanyang silid aralan ni Professor Rainstorm.

"What was that?" Humihingal na tanong niya dito.

Hindi ito sumagot pero nilingon siya nito! Sabay lakad patungo sa kanyang likod. Hinawakan nito ang kanyang balikat and give a little push. Walang nagawa si Tempest kundi ang magpatiayon dito.  Siya na mismo ang nagbukas ng pinto dahil kung hindi baka mangudngod ang mukha niya sa pinto.

"Teach me again." Utos ni Seregon.  Kala mo kaw lang marunong makipagtigasan?

Nang wala itong marinig na sagot sa kanya ay napabuntunghininga ito saka nagsalita.

"Okey, sasabihin ko sa kanila ang totoo. Now teach me."

"Bakit mo ginawa iyon Cee?"

"Ang alin?" Painosenteng balik tanong nito.

"Alam mo ang ibig kung sabihin. So don't answer my question with question! Daig mo pa ang lola ko! You sounds like an elf!"

"Para na kitang kapatid Ty, ayokong nililigawan ka. I'm responsible for you."  Natawa si Tempest sa narinig!

"Paano mangyayari iyon eh, wala namang nagkakagusto sa akin. Isa pa sampung taon palang ako!" Hindi ito sumagot kaya mas lalong nababaghan si Tempest.

Elemental Mage Book 2 (Tempest)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora