Nagising si Tempest kinabukasan na mabigat ang pakiramdam. Bumangon ito at lumapit sa side table. Mayroong nakapatong doon na isang maliit na glass jar na may lamang tubig at sa tabi ay isang baso. Nilagyan nito ng tubig ang baso at ininom hanggang sa maubos nito iyon. Nang ilatag nito ang baso sa lamisa saka nito napansin ang suot na damit. Dahil manipis ang kulay puting pantulog kaya naramdaman ni Tempest ang lamig ng hangin na pumapasok galing sa bintana na bahagyang naka bukas. Lumapit si Tempest sa bintana at tumingin sa labas. Napakatahimik pa ng lugar, humilig ito sa bintana at pinagmasdan ganda ng bukangliwayway. Kahit gaano siya ka pagod kahapon at kahit nanghihina ang kanyang katawan ay pinilit pa rin niyang pakiramdaman ang sariling katawan. Sinikikap niyang tingnan kung may mararamdaman ba siyang kakaiba. Ngunit naabutan at napagalitan nalang siya ng kanyang papa ay wala pa ring naramdaman si Tempest na makapagsasabi kung ano na ang nangyari sa kaibigan. Napatingin muli si Tempest sa kalangitan. Nasa ikatlong palapag siya ng kanilang Manor, ang kanyang silid ay nakaharap sa silangan kaya kitang kita ni Tempest ang ganda ng umaga. Hindi pa makikita ang araw ngunit ang kalangitan ay nagsisimula ng maging ginto ang kulay, isang senyales na papalabas na ang araw. Bumalik sa kanyang alaala ang nangyari kahapon habang papauwi silang mag-anak.
She saw the aftermath of their powers. Nilang dalawa ni Seregon. Kahit bumalik na sa ganda ang panahon wala pa ring katao-tao sa labas. Nadaanan nila ang mangilan-ngilang puno na tinamaan ng kidlat. Ang iba ay nakahandusay sa lupa. May mga bahay na nawalan ng bubong. Alam ni Tempest na kahit hindi niya nakita ang Bazaar ay ganun din ang hitsura nito, parang dinaanan ng delubyo. Napayuko si Tempest habang patuloy sa paglalakad. Mukhang naintindihan naman ng kanyang mga magulang ang kanyang nararamdaman kaya minadali ng mga ito na maglakad. Hiyang-hiya si Tempest sa sarili, sa pagkawala ng kanyang kontrol. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin ng hari sa mga tao. Malamang babayaran nito ang mga nasirang bahay at mga paninda. Ilang beses na siyang sinanay ng kanyang mga magulang, lolo at lola pero sa isang iglap kinalimutan niya iyon dahil sa matinding emosyon.
Naramdaman ni Tempest na may nagbukas ng pinto, nalingunan niya ang ama. Lumapit at tumabi ito sa kanya. Walang salitang inakbayan siya nito. Kusang inihilig ni Tempest ang ulo sa balikat ng ama habang walang salitang sabay nilang pinagmasdan ang paglabas ng araw.
Nakaraan ang kalahating oras bago narinig ni Tempest na nagsalita ang ama. "Tempest hija kailangan mo ng mag handa para sa pag-alis mo. Diba ngayon ang sundo sayo ng school mo?"
"Opo." Matipid na sagot ni Tempest sa ama.
"May problema ka ba anak?" Umiling si Tempest bilang sagot. Her parents has shown patience with her since the accident. They didn't asked what triggered the strong emotion na naging dahilan kaya nawalan siya ng kontrol sa sarili. Pero nararamdaman ni Tempest ang pagnanais ng mga ito na malaman ang dahilan. Pero paano nga ba niya sabihin sa kanyang mga magulang? Ano nga ba ang nangyayari sa kanya that day? That day the power that she felt has been too raw, too powerful. Paano niya sasabihin sa mga ito gayong pati siya man ay naguguluhan sa nangyari. All she remember is when she went out of the bookstore, she is in control of herself and of her powers. But her powers, her powers are...
"Hija?"
"Huh? Oh! Sorry po. Um...okey lang naman po ako. Medyo nanghihina pa rin po."
"Natural lang yan anak, hindi biro ang kapangyarihang inilabas mo. Your body needs to recuperate. Sige, iiwan na kita. Sumunod ka na sa akin pagkatapos mo na magbihis. I'm sure your mother is already waiting downstairs. Remember ngayong umaga ang sundo mo, you don't want to be late." Hinilikan nito si Tempest sa ulo bago umalis.
Nasa labas ng kanilang Manor si Tempest kasama ang kanyang mga magulang habang hinihintay ang sasakyan na siyang susundo sa mga bagong studyante. Kanina pa umalis ang kanyang lolo at lola. Her lolo Firen was not bothered sa kanyang pag-alis kasi kahit paano magkikita naman sila sa school. Her lola promised to visit her. But her parents are very emotional sa pag-alis niya lalo na ang kanyang ina. Hindi natagalan ng kanyang lola ang pagiging emosyonal ng manugang kaya umalis na ito kasama ang kanyang lolo. Ang kanyang grandparents sa mother side ay noong nakaraang araw pa siya nagpapaalam. Hindi mapakali si Tempest, inilabas uli nitoang sulat mula sa bulsa at muling binasa:
YOU ARE READING
Elemental Mage Book 2 (Tempest)
FantasySa loob ng matagal na panahon inilihim ng angkan ni Tempest ang kanyang kapangyarihan. Isa siyang elemental mage, may kapangyarihan siya sa hangin at tubig. A kind of power that was lost, a long, long time ago. Pero sa pagsapit niya sa edad na sa...
