*dedicated kay ItsCola_ ... uy ineng ba't mo naman to binasa? Wag ka nang magpatuloy, sobrang pangit nito. Hahaha*
Pink'S POV
"Teka Daddy san tayo pupunta" napansin ko kasing parang sa ibang direksyon papunta si Daddy eh at parang papunta sa .... company namin?
Nung medyo makalapit-lapit na kami ay nakikita kong kumakaway si Mommy at Kuya.
Pagka-stop ng kotse ay bigla silang pumasok
"Okay let's go" sabi pa ni Mommy sa masiglang boses
"Oo nga Daddy, excited na akong bumalik s Farm. Namiss ko yung preskong hangin" dugtong pa ni Kuya
"Farm? Akala ko po ba sa resort tayo ... I mean ako pupunta pero bakit kasama kayo" pagtatakang tanong ko
"Bakit ayaw mo ba kaming kasama?" para namang nagtatampong tanong ni Daddy
"Hindi naman yun Daddy eh. Akala ko kasi ako lang at sa resort ako pupunta" tugon ko naman
"Ganyan na ba talaga kasama ang tingin mo sa amin at iiwanan ka naming mag-isa sa birthday mo, ilang days na lang kaya yun" sagot ni Mommy
Yun pa yung isang knaiinis at kinatatampo ko talaga sa kanila. Akala ko nakalimutan nila ang birthday ko
"Talaga po? Edi may business trip kayo sa Singapore at diba may maga scheduled gigs si Kuya"
"Ano ka ba naman Pink. Siyempre your most important to us kesa sa mga business trip na yan at mga gig na yan and besides you Kuya is the one who suggested this" nakangiting tugon ni Mommy
Natouch naman ako dun sa narinig ko. I feel so very important at this moment. And si Kuya?
"Si Kuya? Si kuya talaga?" Napatingin ako kay Kuya at napalingon naman siya sa bintanan para umiwas ng tingin sa akin pero nakita ko naman yung smile at parang nahihiya pa.
"Yup! Sabi niya kasi na since hindi ka pa raw nakakapunta sa Farm natin sa Baguio ay yun na lang daw ang gift namin sayo" tugon naman ni Mommy
Wow. Farm namin sa Baguio. Yun yung laging sinasabi sa akin ni Kuya eh at gustong-gusto ko na talagang makita yun kasi si Kuya grabe makadescribe, nakaka-inggit.
"Psh!!! Kuripot lang yan eh at ayaw akong bilhan ng regalo kaya ito na lang" sabi ko naman bilang pag-asar kay Kuya.
Naramdaman kong parang tumingin si Kuya sa akin at maya-may pa ay nagsalita na siya
"Hoy hoy, hindi ako kuripot noh. Pasalamat ka nga't naisipan kitang dalhin dun sa farm noh. Balik na nga lang tayo Mommy, mukhang ayaw naman dun ni Pink eh" angal nito
YOU ARE READING
Limited Days to Love - [KathNiel]
Teen FictionSYNOPSIS: After a year of treatment, The doctor finally declared that Blue was already healed from his Brain Cancer. Pero sabi nga nila, mapagbiro ang tadhana, nung akala niya na okay na ang lahat ay bumalik ang Cancer niya and this time ay hindi na...
![Limited Days to Love - [KathNiel]](https://img.wattpad.com/cover/6197706-64-k346110.jpg)