"Hindi mo alam?" over acting naman ang isang 'to. Gulat na gulat.

"Itatanong ko ba kung kilala ko, ayaw sabihin ni Kuya. Kilala mo naman siguro"

Nagtinginan sila saglit ni Kuya.. "Sikreto ng gwapo 'yon" sagot niya sa'kin.

Ang dadaya ng dalawang 'to. "Pangalan lang naman hinihingi ko hindi address. Sabihin niyo na kasi"

"Ayaw ko" –Kuya

"Kuya naman, maraming magkapangalan sa mundo"

Kapangalan ko ang ex ni Gelo. Tapos narinig ko naman 'yung pangalan ni Kuya sa usapan ni Gelo at Aica. Ang dami talagang magkakapangalan.

"Si keso, girlfriend niya 'yon, masaya ka na?" hirit naman ni Jewel. Keso? Niloloko naman ako ng dalawang 'to, walang gano'ng pangalan ng babae.

"Keso mo mukha mo, umuwi ka na nga. Alis!"

"Ba! Di pa tapos 'yung pinapanuod ko"

"Wala rin kayong TV? Grabe ka na"

Iniwan ko na silang dalawa sa sala. Kailangan ko nang gisingin ang sleeping beauty kong kapatid. Siya nalang ang tatanugin ko, baka kilala niya si keso ni Kuya.

Alam ko na! makapag imbestiga, ninja alert. Maghahanap nalang ako sa kwarto ni Kuya ng ebidensya. Hohoho, baka may picture siya ni keso. Magkasama naman sila ni Kitt sa kwarto kaya makakapasok ako ngayon do'n.

--

"May nakita ka na ba?" tanong ko kay Kitt. Itinulong ko na siya sa paghahanap sa buong kwarto ni Kuya.

Wala akong makita. Ang tindi niyang magtago, baka nasa wallet niya lang 'yung picture. Hindi ko naman mabuksan ang computer niya dito may password kasi. Nando'n siguro lahat ng mga kababalaghan niya sa buhay.

"Wala, Ate. Sino ba hahanapin ko?" nagkakamot na sa ulo ang kapatid ko. Kahit naman ako hindi ko rin alam hitsura ng babae na 'yon, kaya kahit ilang picture pa ng babae ang makita ko siguro dito sa kwarto ni Kuya hindi ko rin makikilala si keso sa mga 'yon.

"Wag na nga nating hanapin, itatanong ko nalang kay Mama"

"Sino ba 'yon, Ate?"

"Girlfriend ni Kuya. Wala kang naririnig na pangalan ng babae na sinasabi niya kina mama?"

Umiling lang siya..."Ay, meron. Meron! Jewel! Baka si Jewel" wala syang kamalay malay na lalaki si Jewel.

Hahahaha. Nakakatawa ang sagot ni Kitt. Ohmy! Baka naman sila nga ni Jewel kaya ayaw nyang sabihin sa'kin. Naku, hindi ako makakapayag.

Hinila ko si Kitt palabas sa kwarto ni Kuya, kailangan kong paaminin si Kuya. Baka si Jewel nga ang girlfriend/boyfriend niya. Sa dami niyang kaibigan na lalaki, palaging si Jewel ang dinadala niya dito sa bahay.

Pagbalik ko sa sala wala na si Jewel, si Kuya nalang ang naabutan ko. Natutulog na naka uniform pa.

Napakamot nalang ako sa ulo, hindi ko magigising si Kuya kapag tulog. Kahit naman hindi talaga siya tulog hindi niya ako papansinin kapag ginigising ko siya.

"Anong gagawin natin dito, Ate?"

"Wala na, labas nalang tayo. Baka makita natin si Mr. 5SoS" sabi ko sakanya.

Mr. 5SoS: kapitbahay namin na kasing edad ni Kuya. Sinasabi ni Kitt na crush niya 'yon, ako nga lang ang may alam na may gusto siya kay Mr. 5SoS. Malalagot ako sa Kuya ko kapag nalaman niyang tinuturuan ko ng kabaklaan si Kitt. Gusto ko kasi talaga ng kapatid na babae.

Kaya tinawag ko siyang Mr.5SoS kasi nagpapasa siya s'kin ng kanta no'ng isang buwan. Lahat lang ng kanta ng 5SoS ang pinapasa niya. Buti may ilan sa phone ko.

Mr. Know it All [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon